TAIPEI TRIP 2019: JIUFEN OLD STREET (REAL-LIFE SPIRITED AWAY EXPERIENCE)

IMG_20191114_001147_126

Ito na kung paano pumunta sa Jiufen Old Street from Ruifang Station.

RUIFANG STATION to JIUFEN OLD STREET

Pagdating sa Ruifang Station, left side ang exit ng Ruifang Station. Pagtawid sa kabilang kalsada, maghihintay lang ng bus number 788 or 965. Paakyat ng bundok ang bus. Once na makita na yung bundok na maraming bahay at may temple, ibig sabihin ay malapit na sa Jiufen Old Street para siyang katulad sa Baguio. Just to be sure, check google map din para hindi malagpasan ang bus station ng Jiufen Old Street.

Pagdating sa bus stop ng Jiufen Old Street, makikita na yung Family Mart at 7-11. Meron sightseeing area paglagpas ng Family Mart. Pwede kayong mag-picture doon bago pumasok sa Jiufen Old Street.

TEMPLE NEAR COMFORT ROOM

Bago mag-Family Mart, sa may bus stop ng Jiufen meron comfort room sign. Nakita ko na may temple malapit sa comfort room. Also, mas malinis ang comfort room sa area na ito at hindi squat toilet. May comfort room na malapit sa entrance ng Jiufen Old Street pero squat toilet siya tapos madaming nakapila compare dito.

Sa tabi ng comfort room, may souvenir din at map screen. Sa loob ng restaurant sa area na yan, may guide maps. Pwedeng kumuha doon ng maps para may iba pang mapuntahan lugar maliban sa Jiufen Old Street.

ENTRANCE NG JIUFEN OLD STREET

Katabi mismo ng 7-11 ang entrance ng Jiufen Old Street. Isang eskinita lang siya na puro tindahan at kainan sa loob.

SOUVENIRS AT JIUFEN OLD STREET

Kumuha din ako ng souvenir coin. Sa entrance ng Jiufen Old Street ko ito. Tapos, may store ng mga Chinese brush. Madami din kayong makikitang Spirited Away stuffs at lantern souvenirs dito.

Bumili ako ng brush at magic rewritable gridded calligraphy water writing fabric cloth. May nabili akong fabric cloth din nito sa China pero ito naman set na. Pwede din siya pang practice ng Korean or Japanese writing. NTD 880 ang bili ko kasama na yung brush.

FOOD – FISHBALL NOODLE SOUP

Ito agad ang una kong kinainan kasi lunch na at umuulan. So, masarap kumain ng noodles. Fishball noodles ang order ko.

Note: Simula pagpasok sa Jiufen Old Street, puro kainan na agad. Sa dulo ay mas marami na ang cafe at souvenir shops. Kaya kung gutom na kayo, pumasok na agad kayo sa restaruant na gusto niyong kainan. Lagi din madaming tao sa bawat store lalo na kapag holiday or weekend.

XIAO LONG BAO!

May nakita akong xiao long bao restaurant. Nag-try ulit ng xiao long bao. Dito NTD 120 lang, sa Shifen NTD 150 pero syempre sa Ximending mas mura, hehehe. Puro dumpling noodles at xiao long bao ang kinakain ko that week sa Taiwan. Masarap kasi kapag authentic eh. Good na yung price niya for 2 persons kasi busog ka na sa ganyan serving compare sa 4pcs dumplings dito sa Manila. Lalong lumakas ang ulan kaya nag-stay din ako saglit sa loob ng restaurant.

CREAM PANCAKE

Bumili ako ng snack habang naglalakad papunta sa famous restaurant na A-Mei Teahouse.

A-MEI TEAHOUSE AND LANTERNS

Makikita niyo ito kapag bumaba na kayo ng hagdan. Sundan niyo lang yung mga lantern pababa.

SPIRITED AWAY CASTLE AND A-MEI TEAHOUSE

81983644_2695701060466675_1809071896164040704_n

IMG_20190319_202810

IMG_20191030_162617

100-year old A-Mei Tea House inspired the Japanese anime Spirited Away.

Mas maganda siya sa gabi. Yung unang punta ko nung March ay gabi na nung nakarating kami ng kaibigan ko at halos magsasara na ang ilan stores. Sinadya lang namin ang A-Mei Teahouse at sa Taipei na nagdinner. Nung una kasi hindi namin alam yung bus schedule baka hindi kami makabalik agad ng Taipei. This time na bumalik ako, umuulan naman at crowded dahil holiday week. Hindi ko na masyado nalibot ang place na ito dahil sa crowded na at umuulan pa. 5pm pa lang ay madilim na at bumalik na ng Taipei.

BUS STOP GOING BACK TO RUIFANG STATION OR TAIPEI

Simula sa 7-11, maglalakad paakyat ng konti papunta sa bus stop pabalik ng Ruifang Station or Taipei. Mas better na sumakay ng bus no 788, 965 or 856 papuntang Ruifang Station kaysa sumakay ng bus diretsong Taipei kasi mahaba ang pila ng papuntang Taipei. May tendency din na traffic pabalik ng Taipei. Kaya sumakay ako ng bus no 856 kasi ang dami ng nakapila sa Taipei bus. Same thing na din ng pabalik.

Platform 1 naman ang pabalik ng Taipei. Check the train schedule para alam niyo kung anong oras ang schedule ng express train.

 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s