1 week na simula ng mag-eruption ang Taal Volcano. Hindi handa ang karamihan lalo na at nagkaroon ng ashfall na umabot pa ng Manila. Madaming lugar ang apektado ng eruption at ashfall. Karamihan sa lugar na malapit sa Taal Volcano ay parang naging disyerto dahil sa eruption. Ang magandang kulay green na lugar ng Tagaytay ay naging gray lahat na parang kala mo ay isang black and white tv screen nung unang panahon. Ang mga bahay, puno at halaman ay halos hindi mo na makita dahil sa putik at alikabok na nanggaling sa ashfall ng Taal Volcano. Hanggang ngayon ay madami pa din ang nasa evacuation centers at nangangailangan ng tulong lalo na ang pagkain, tubig, tulugan at ilang kagamitan. Marami ang hindi makabalik sa kanilang mga tirahan dahil sa epekto nito. Kaya’t madaming tumutulong na mga kababayan ang pumupunta sa mga lugar na apektado ng eruption. Sa ngayon ay patuloy pa din ang pag-monitor sa Taal Volcano lalo na at may ilang mga lugar na mahirap daanan dahil sa mga nasirang kalsada at maputik na lugar. Sana ay tumigil na ang eruption ng Taal Volcano at unti-unting maibalik ang ganda ng Tagaytay.
Dahil sa eruption, naalala ko ang unang beses na ako ay maglibot mag-isa ng Tagaytay. Tila masasabi kong, napakaganda talaga ng lugar na ito at ang Taal Volcano ang magiging center ng lahat kahit saan ka pa sa Tagaytay. Ito ang mga lugar na akin pinuntahan noong October 2015.
PEOPLE’S PARK
Dito maganda pumunta kung gusto mo makita ang buong Tagaytay.
STARBUCKS AND BAG OF BEANS
Kung saan mag-kakape ka na may magandang view ng Taal Volcano.
BULALO! THE BEST!
Kapag nasa Tagaytay ka, hindi pwedeng mawala ang masarap na bulalo tapos kaharap ang Taal Volcano.
SKY RANCH
Nag-end ang trip ko sa Sky Ranch dahil sunset na. Kapag sunset, mas gusto ko sumakay ng ferris wheel. Iba kasi yung feeling kapag sunset tapos nasa ferris wheel ka. Masarap sa pakiramdam at mas maganda tignan yung view ng sunset kasi nasa itaas ka na para kang lumilipad.
TAGAYTAY HIGHLANDS
Another place sa Tagaytay na paborito kong puntahan namin at ito ang Tagaytay Highlands. Ito yung mga favorite shots ko sa Tagaytay Highlands na may magandang view ng Taal Volcano.
Hopefully, maibalik yung ganitong ganda ng Tagaytay at maging maayos na ulit ang lugar ng Tagaytay at Batangas. Let’s pray for the safety of everyone. God Bless!