Second time na bumalik ako ng Taipei, sinubukan ko mag-MRT galing sa Taoyuan Airport going to Taipei Main Station. So from Taipei Main Station transfer na lang ng train papuntang 228 Peace Park Station.
First, kinuha ko muna ang wifi at sim card ko na pina-reserved ko sa Klook. This time nilipat nila ang counter ng Klook, nasa left side na siya pagdating sa Arrival Area. One thing na natuwa ako, yung Lego display nila ng Taoyuan Airport.
SO CUTE LEGO! ^_^
KLOOK WIFI AND SIM CARD RENT
GOING TO MRT / HIGH SPEED RAIL
MRT TICKETING STATION
FARE: 160 TWD – Airport to Taipei Main Station
Link for more information about Taoyuan Airport MRT: https://www.travel.taipei/en/information/taoyuanmetro
Pagpasok ng ticketing station, left side ang express train, right side ang commuter train.
TAOYUAN AIRPORT MRT ROUTE MAP
NOTE: Check the signage kasi baka sa commuter MRT kayo makasakay at hindi sa express train.
COMMUTER TRAIN
Travel time: 50 minutes
Ganito ang train kapag commuter train. Ang commuter train ay lahat ng stations mag-stop siya. So mas matagal ang travel time compare sa express train. Nag-train ako dahil 8pm na at rush hour ang ganitong oras. Kapag nag-bus ako from airport, malayo din naman ang lalakarin ko pagpasok sa loob ng Taipei Main Station going to 228 Peace Park. Kapag 7pm-9pm, sobrang dami ng tao sa Taipei Main Station. That time hindi ko pa alam ang express train ng Taoyuan Airport kaya commuter train ang nasakyan ko.
EXPRESS TRAIN
Travel time: 35 minutes
TAIPEI MAIN STATION FROM TAOYUAN AIRPORT MRT
Ito ang itsura ng Taipei Main Station platform going to or from Taoyuan Airport MRT. Sa left side, ang commuter train at express train naman sa first floor.
Nung pauwi na ako ng Manila, nag-express train na ako kasi last time na nag-bus kami ng friend ko sa Taipei Main Station ay 8:00am yung schedule ng bus. 30mins lang ang travel time ng express bus. 9:10am ang schedule ng Airasia flight. So, nagmadali kami sa pagpunta ng aiport. This time na nag-express train ako, 7am nasa express train na ako, 7:15am ang schedule ng train na naabutan ko. 8am, nasa airport na ako. Nasa dulo kasi ng airport ang boarding gate ng mga airline papuntang Manila. Kaya ang layo ng lalakarin.
So, double check yung bus at train schedule para alam niyo kung ano ang mas convenient para sa inyo papuntang Taoyuan Aiport or Taipei Main Station. Yung iba kasi naka-book ng airport transfer from hotel, Klook or transport services. Kapag early or last flight naman ang dating sa airport, bus na lang ang masasakyan kasi 6am-12am ang schedule ng airport train. Plan ahead and enjoy Taipei! ^_^
One thought on “Taipei Taoyuan Airport to Taipei Main Station by Taipei Airport MRT”