SEOUL TRIP 2018: HONGIK UNIVERSITY, WAU PARK & COFFEE PRINCE

HONGDAE

Ayan, ngayon lang ulit ako nakapag-sulat, hehehe. September na at malapit na ang Autumn season kaya na-miss ko ang trip ko sa Seoul last year. Sa Hongdae or Hongik University makikita ang Coffee Prince cafe. Napuntahan ko na siya 5 years ago pero gusto kong makita yung itsura niya kapag umaga at autumn. Gabi at mag-summer season na nung una ko siyang napuntahan. Nag-try ako bumaba sa Hongik University station by Seoul subway. KakaoMetro – Subway Navigation app ang ginagamit ko aside from Google Map. Kakao apps ang kadalasan ginagamit nila dito.

Kakao Metro

70428196_2369562206618162_9071829110862381056_n

HONGIK UNIVERSITY

Pagdating sa Hongik Univ. station, exit number 8 kapag green line or exit number 7 kapag blue line. Doon, may malapit na park sa Hongik station. Maliit na park siya na may magkakasunod na coffee shops. Dito kasi sa Hongdae, puro coffee shop ang marami. So kung mahilig kang mag-kape or sa park, good choice ito para mag-relax. Dito din ginawa yung episode 9 ng I Am Not A Robot. Alam mo ito kung K-drama addict ka din, hehehe.

Itong park na ito, may mga mini store din siya. Pwede din mag-relax dito habang nainom ng kape. After lunch pa lang nung dumating ako kaya wala pa masyadong tao sa area. Napakaganda nung lugar lalo na at mapuno. Napaka-relaxing tignan. Ang sarap sigurong mag-aral sa lugar na may malapit na park tapos coffee after school. Kaso stressing mag-aral sa Korea eh, mataas daw ang expectations dito, travel na lang, hehehe.

COFFEE PRINCE

So, nadaanan na yung park. Sundan niyo lang ang google map from Hongik University station papunta sa Coffee Prince. Puro coffee shops ang madadaanan niyo. 2 streets away lang siya hanggang sa makita niyo na siya sa right side na medyo corner. Galing sa Coffee Prince, pwede niyong lakarin yung papunta sa Trickeye Museum Seoul at Ice Museum.

Dahil bawal mag-sightseeing sa loob kapag hindi ka umorder, mag-picture na lang sa labas ng Coffee Prince. Nakapasok na ako sa loob dati kaya nag-picture lang ako sa labas.

WAU PARK

Bumalik ako sa bus stop at may map doon na naka-post. Nakita ko sa map yung Wau Park. Out of curiosity kaya ko siya pinuntahan. Take note, pataas siya. Medyo nakakapagod lang siyang akyatin ng konti kasi para ka ng nag-hiking papunta sa Wau Park, hehehe. Pero, maganda siya. Sobrang natuwa ako doon sa mga puno. Pwedeng pictorial site, hihihi.

IMG_2939

Ito yung map pero sa may basketball court area lang ako dumaan tapos bumaba na din ako kasi pupunta pa ako sa Ehwa University para i-meet yung kaibigan ko. So, ito yung magandang Wau Park. Meron din mga equipment pang exercise. Nakaka-bilib di ba? Dito sa Pinas may bayad ang gym. Sa kanila nasa park lang, meron na at libre pa.

Yan yung stairs na paakyat sa Wau Park. By the way, iba pa yung unang paakyat na kalsada na madadaanan niyo para makita ang Wau Park sign na yan, hehehe. So, hindi ka pa nakakapag-exercise sa libreng equipment nila, nakapag-trekking ka muna, hahaha!!!

Ang mga nakasalubong ko dito sa park ay puro matatanda. May iba naman buong family sila. Good place din siya para mag-picnic kasama ang barkada or family. Relaxing yung place kasi ang ganda din ng mga puno tapos napak-colorful niya tignan. So napakagandang dumaan dito kapag autumn season. Sa kabilang side na ako dumaan pababa ng Wau Park. Ang liit lang ng kalsada kasi madami din nakapark na sasakyan sa gilid pero mas madaling dumaan pababa ng park. So, this is it. Itong Wau Park ay nakita ko lang sa map ng bus station. Wala yan sa kahit anong guide maps o top places na makikita sa Seoul. Mukha kasi siyang village park kaya parang nakatago yung lugar tapos nasa taas na area pa siya. Kaya kung mahilig din kayong maglakad-lakad, madami din kayong madidiscover na lugar maliban sa mga common place or tourist spots. Ang kadalasan na nasa guide maps kasi like dito sa Hongdae ay puro shops ang nasa list. Kaya hindi niyo makikita yung iba pang magagandang lugar na nasa tabi-tabi lang pala.

Para lang din yan pag-ibig, kung saan-saan ka pa tumingin at pumunta pero nasa tabi mo lang pala yung hinahanap mo o matagal mo ng hinihintay, hahaha.

Note: Madaming tourist information around Seoul. Sa bawat district area meron silang guide maps. Pwede kayong humingi ng map sakanila at libre lang yun. Detailed map siya. Lahat ng stores, cafes at restaurant nakasulat sa bawat street. Kaya good thing siya dahil yung iba doon ay wala sa google map. Useful siya sa bawat trip sa Seoul. Pwede din kayong magtanong sa staff kung saan kayo pupunta.

32629036354_dffc1d96e1_b

hongdae-seoul-map

ENJOY SEOUL, HAPPY TRIP! ^_^

 

Hongdae (Hongik University Street) (홍대)

Address

20, Hongik-ro, Mapo-gu, Seoul
서울특별시 마포구 홍익로 20 (서교동)

Type: Others

Inquiries

• 1330 Travel Hotline: +82-2-1330
(Korean, English, Japanese, Chinese)
• For more info: +82-2-323-2240

Homepage: www.mapo.go.kr (Korean, English, Japanese, Chinese)

 

Introduction
Hongdae is a neighborhood known for its youthful and romantic ambience, underground culture, and freedom of self-expression. Unique cafes, cozy galleries, accessory stores, fashion shops, live cafés and clubs, art markets, and gourmet eateries make this a popular hang-out for local youth and a fascinating place to walk around. These unique places plus the cultural events, street performances, and festivals held here make Hongdae an area that is always packed with people and excitement. Special streets such as ateliers’ street (lined with private institutions for art students preparing for university entrance exams), Picasso’s Street, and Club Street are also must-go places if you’re hoping to fully experience the Hongdae area.

[Main tourism spots in front of Hongik University]
* Hongdae Walking Street: Main spot of Hongdae area which has an outdoor stage for indie band performance and dynamic culture of young people.

* Hongdae Mural Street: Mural street stretching from Kanemaya restaurant by the back gate of Hongik University to Four Seasons House (Wausan-go 22-gil) and featuring various arrangements of painting from graffiti to artistic design. It is also referred to as ‘Picasso’s Street’ and is famous as a dating spot.

* Hongdae Free Market: The market is held every Saturday from March to November at Hongik Children’s Park in front of the main gate of Hongik University. All people can sign up to sell their hand-made products and other exhibitions created by artists will be shown.

Closed
N/A (Open all year round)

Interpretation Services Offered
Tourist Information Center (Available in English, Japanese, and Chinese)
+82-2-323-2240

Link for more information: http://english.visitkorea.or.kr/enu/ATR/SI_EN_3_1_1_1.jsp?cid=1326972

 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s