So, this is it! Another autumn trip blog sa Korea. Magandang puntahan itong Korean Folk Village kasi para kang bumalik sa panahon ni Jang Guem. Time travel tayo sa panahon ng Joseon Dynasty. Bago yan, paano muna pumunta sa Korean Folk Village galing sa Seoul at iba pang information.
DIRECTION:
STEP 1 – Wangsimni Station to Sanggal Station (Yellow Line), 1hr. 13mins trip
Kahit saan pa kayo sa lugar ng Seoul, basta mag-transfer lang sa Wangsimni Station Yellow Line para makapunta sa Sanggal Station. Kapag sa Wangsimni Purple Line nakapunta kailangan mag-transfer sa Yellow Line. Dalawa kasi ang station ng Wangsimni kaya make it sure na nasa Yellow Line kayo. Ito yung map.
Ito yung makikita niyong station sa Wangsimni papunta sa Sanggal. Korail na ang train niya. Iba ang train ng province sa subway ng Seoul. Dapat ganito ang makikita niyo habang naghihintay ng train.
Ito na yung Sanggal Station. By the way, pagdating sa Sanggal Station huwag kayong magulat kung walang tao sa station. Common ito sa mga province area compare sa busy at mataong stations sa Seoul. Medyo creepy lang kasi minsan wala pang 5 tao ang bumababa sa province stations, hehe. Tapos sasabayan pa ng malamig na hangin paglabas ng station, hahaha.
STEP 2: SANGGAL STATION Bus ride #37
Pagdating sa Sanggal Station, bus na ang next. Bus number 37. Yun ang direct bus na papuntang Korean Folk Village. Another thing ulit, kung solo traveller ka baka mag-isa ka lang din sa bus pagbaba sa Korean Folk Village, hahaha! Kunwari special ang kotse na sakay mo kasi solo mo lang siya. Dito mo lang masusubukan ma-solo ang bus.
Pagdating sa Korean Folk Village, ang bus stop niya ay may coffee shop na makikita. Sa right side ang daan papunta sa entrance ng Korean Folk Village.
Hapon na nung pumunta ako kaya yung iba ay nag-uuwian na. Sinulit ko na lang ang Korean folk Village hanggang mag-6pm.
Entrance Fee: 18,000 krw
Karamihan ng Korean drama na Joseon Dynasty or historical drama ang set-up dito nag-shoot ng ilan episodes nila pero yung iba sa mga main palace talaga pero iba’t-ibang province din na may hanok village o palace. Yung iba 4 hours ang layo ng lugar sa Seoul. Katulad ng sa Love in the Moonlight, iba’t-ibang lugar ang film shooting place pero hindi ko na pinuntahan kasi masyadong malayo sa Seoul. Ito na yung malapit maliban sa Suwon.
Ganito ang sasalubong sa iyo pagpasok. Napakaganda niya. Sa gilid ng malaking building, meron din locker katulad sa Everland. If meron kayong gustong iwan na gamit para mas ma-enjoy niyo ang paglalakad pwede niyong ilagay doon. Meron din ATM dito, maliban sa convenient store, souvenir shop, coffee shop, at food stall.
Isa sa example na dito nag-shoot ay yung palabas na 100 Days My Prince. ^_^
Sobrang laki ng lugar. Halos hindi ko na pinuntahan yung dulo kasi pagod na din akong maglakad. Enjoy naman ang mga paligid pero hindi mo talaga maiiwasan mapagod sa laki ng place. Halos sunset na nung bumalik ako sa food stall para kumain bago bumalik sa Seoul. Meron din silang show. Naabutan ko yung show nila na traditional wedding sa kanila katulad sa mga palabas.
Nakakatuwa din ang food stall dito. Honesty store din siya katulad sa Batanes.
Sobrang nakakatuwa lang kasi para kang pumasok sa isang Kdrama. Nakakatuwa din kasi nung dumating ako, madaming students. Hindi ko alam kung field trip ba ng isang school pero kasi madaming bata at high school students. Ang maganda pa sakanila ay maraming naka-hanbok (traditional Korean clothing). Sobrang cute nilag tignan. Meron din families na naka-hanbok silang lahat. Ang ganda din ng iba’t-ibang design na suot nila.
May nag-picture sa likod ko na naka-hanbok. Natuwa ako, kaya nag-picture ako. Hinahatulan ang set-up nila, hihihi.
The rest ay enjoy lang yung place. Napaka-gandang pumunta dito kasi Autumn. Napaka-kulay ng mga puno. Ang ganda tignan ng paligid kasi para siyang painting tignan. Ang sarap isipin na naka-preserve yung mga ganito sakanila at makikita mo yung history nila base sa mga palabas nila at lugar na mapupuntahan dito sa Korea. Matututo ka din kung ano yung kultura nila. Sa Suwon Haenggung, inaayos nila yung ilan lugar doon sa palace. Natuwa ako kasi naka-base sila sa history nila sa pag-ayos ng palace sa Suwon. Isa ang South Korea, sa mga bansang modern type pero may mix tradition pa din na naka-preserve ng maayos. Napaka-techie nila pero hindi nawawala yung pag-preserve ng kultura nila. Kapag pumasok ka sa mga palace, nag-encourage ang government na magsuot sila ng hanbok. Another setting siya para maipakita din sa next generation kung ano ang kultura nila. Kaya maganda din lesson ang pagpunta sa mga museum at palace para matuto ka tungkol sa history at culture. Try niyo puntahan ito lalo na kapag autumn. Sobrang ganda niya. Happy Seoul Trip! ^_^
Korean Folk Village (한국민속촌)
Address: 90 Minsokchon-ro, Giheung-gu, Yongin-si, Gyeonggi-do
경기도 용인시 기흥구 민속촌로 90 (보라동)
Type: Old Houses/ Birth houses/Folk Villages
Inquiries: 1330 Travel Hotline: +82-2-1330
(Korean, English, Japanese, Chinese)
• For more info: +82-31-288-0000
Homepage: www.koreanfolk.co.kr (Korean, English, Japanese, Chinese)
http://www.koreanfolk.co.kr/multi/english/
INFORMATION:
Introduction
Korean Folk Village introduces traditional culture from the late Joseon period to both local and international visitors through cultural classes experience, shaman faith, seasonal customs and others. Also, the village shows various places with unique features such as a farming village, private house, official districts, Confucian academy, seodang (village school), and a village street in realistic descriptions, as well as, a nobleman’s house and traditional workshop.
Performances including nongak (farmer’s music), martial art on horseback, traditional wedding ceremony, and other special events are available by season. In particular, ‘Welcome to Joseon’, held every May is a performance featuring time travel back to the olden days. In addition, a large family park where the eruption of a volcano site, ice sledding site, and markets are located. Visitors can enjoy Korean traditional rice cake like jeungpyeon (steamed and fermented rice cake), injeolmi (rice cake coated with bean powder), bukeo-gui (grilled dried pollack), or pajeon (green onion pancake) along with dongdongju (traditional Korean liquor).
Opening date
October 3, 1974
Closed
N/A (Open all year round)
Activity Information
* Korean folk play experience programs
* Traditional life experience programs
Operating Hours
[February-April] Weekdays 09:30-18:00 / Weekends 09:30-18:30
[May-September] Weekdays 09:30-18:30 / Weekends 09:30-19:00
[October] Weekdays 09:30-18:00 / Weekends 09:30-18:30
[November-January] Weekdays 09:30-17:30 / Weekends 09:30-18:00
* Hours subject to change; refer to the website for details.
Parking Facilities
Available
Parking Fees
Small cars: 2,000 won
Large vehicles: 3,000 won
* No additional fee will apply after the initial charge.
Admission Fees
[Admission]
Individuals: Adults (ages 19 and up) 18,000 won / Teenagers (ages 13-18): 15,000 won / Children 13,000 won
Groups: Adults 15,000 won / Teensagers 13,000 won / Children 11,000 won
[One-day ticket]
Individuals: Adults 27,000 won / Teenagers 22,000 won / Children 20,000 won
Groups: Adults 21,000 won / Teenagers 19,000 won / Children 17,000 won
* Groups: 20 or more people
* With an hour or less remaining to the closing hour, all visitors are eligible to group rate.
* Fees above may be subject to change.
Interpretation Services Offered
English, Japanese, Chinese
* Advanced reservations are required for guided tour.
Online reservation: www.yongin.go.kr (under Travel Guide page)
Link: https://english.visitkorea.or.kr/enu/ATR/SI_EN_3_1_1_1.jsp?cid=264121