Menam River, Bangkok, Thailand

First time kong mag-Bangkok, Thailand. So first impression ko ay parang Pinas lang na mas malinis kasi kahit mismong mga tao sa Thailand ay para din silang Pinoy sa facial features nila.

Nag-stay kami sa Ramada Plaza Bangkok Menam Riverside at good place ito kung gusto mong ma-experience ang boat shuttle sa iyong trip sa Bangkok. Hindi lamang Ramada Plaza ang hotel na meron sa Menam Riverside.

Madaming hotel ang naka-hilera sa Menam Riverside. Ang hotels ay Chatrium Hotel Riverside Bangkok, Capella Bangkok, Shangri-La Hotel Bangkok, Mandarin Oriental Bangkok, Royal Orchid Sheraton Hotel and Towers, Millenium Hilton Bangkok, The Peninsula Bangkok at marami pang iba. Check niyo na lang sa google map or Agoda website. Karamihan sa mga hotel na nasa Menam Riverside ay may shuttle boat. Free ito sa mga hotel guest at ang shuttle na ito ay papunta sa Sathorn Central Pier (Taksin). Dito lahat nagbababa ng pasahero.

 

Pagbaba dito sa Sathorn Central Pier (Taksin), may choices kayo ng transportation. 

  • Train station: Taksin Station, 5 mins. walk galing sa Sathorn Pier.
  • Free shuttle boat: Going to Iconsiam
  • Shuttle boats: Hop on hop off by Boat 4U or public shuttle boat
  • Taxi at tuktuk, available din sa area

Less hassle ang Hop On Hop Off Boat 4U dahil may choices ka kung saan mo gustong bumaba at less din ang pila compare sa public boat shuttles. Better kung Unlimited River Pass ang kukunin if first time mong mag-Bangkok at less travel time. Compare sa mag-train or tuktuk the whole day, mas ok na ang mag-boat ride. Walang traffic at the same time ay relaxing ang biyahe dahil boat lang. Kung sa riverside hotel kayo naka-stay, good thing din yun para makabalik ng hotel agad.

 

 

INFORMATION: BOAT 4U

Service time: 9:30am – 7:00pm

Single River Pass: 60 Baht

Unlimited River Pass: 

24 hours: 200 Baht

48 hours: 300 Baht

72 hours: 400 Baht

 

Places na pinuntahan namin for 1 day using Boat 4U.

  1. Royal Barges National Museum – Prannok Pier, Tha Wang Lang… 1 tuktuk ride from Prannok Pier
  2. Flower Market
  3. Grand Palace – Tha Chang Pier
  4. Icon Siam Mall
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s