First Fanmeet Experience: Park Bo Gum Good Day Manila

f7d99d8f3827de44a7d3a706b9fd561d

This s it! Finally, natuloy na talaga ang fanmeet ni Park Bo Gum dito sa Manila. Ilang beses na din siyang nakapunta dito sa Pinas dahil sa work pero this time, fanmeet na niya. April 27, 2019 ang original date ng fanmeet pero dahil may sunud-sunod na earthquake sa Pinas, na-move ang schedule. Kaya naging June 22, 2019, Saturday, another months na paghihintay pero okay lang kasi months lang hihintayin ko, hindi naman years.

 

 

First time kong umattend ng fanmeet kasi hindi naman ako mahilig sa mga concert. Kay Park Bo Gum ko lang ginawa yun, hehe. Anyways, base sa schedule 4pm ang open ng gate kaya 3:30pm nasa pila na ako. Honestly, pagdatinng ko ang dami ng nagbebenta ng mga kahit ano na may picture ni Park Bo Gum. Na-shock ako kasi yung iba may printed shirt na nakalagay yung mukha niya at nasa headband, hehe. Hindi ko hilig yung mga ganun stuff. Ok na ako sa hand cream ko ng V-prove na binili ko sa Korea, hahaha.

 

 

Habang naghihintay ako sa pila, may isang fan na nasa harap ko na nagpamigay ng ref magnet picture ni Bogummy. Karamihan ng nasa fanmeet ay babae in any age, hehe.

 

 

Yet mag-4:30pm na nung nakapasok ako sa loob. Pinapasok muna nila yung sakabilang side bago yung sa side namin. So, nakakagutom din.

 

 

Pagpasok ko bumili na ako ng food kasi sobrang kagutom na din. Meron wall ng pictures ni Bogummy at yung seat ng mini garden sa Love in the Moonlight. Hindi na ako pumila doon, pupuntahan ko na lang sa Korea yung shooting location ng Love in the Moonlight pagbalik ko ulit, hehehe. Mas prefer ko yun kaysa yung mga ganyan, hahaha. Iba kasi yung experience kapag nasa actual na lugar ka. Nakaka-miss mag-Korea.

 

 

This is it, nasa loob na ako. Malapit naman kahit papaano yung pwesto ko pero ang weird kasi base sa kinuha ko doon sa SM Sucat, dapat nasa window area ako para harap mas malapit pa din sa stage pero ang nangyari ay sa tabi ng screen. Ok na din kasi malapit pa din ako at nag-enjoy naman ako.

 

 

 

Mas gwapo siya sa personal at nakakatuwa yung performance niya. Nag-English naman siya the whole night. Although, minsan napapa-Korean pa din siya pero mga ilan beses lang. Si Anne Curtis ang host ng event. Most songs ay hindi ko alam kasi hindi naman ako mahilig sa K-Pop. Puro K-drama lang ako at ilang OST lang ang alam ko. Yung 4 na nanalo ay may special encounter sa kaniya. The rest na nanalo sa raffle ay sa end ng show na nila nakuha yung raffle prize. Hindi man ako nanalo sa raffle, masaya na akong makita siya ng personal.

 

 

Hindi na ako lumapit sa window area nung lumapit siya sa area namin sa side ng stage kasi ang daming tao at hindi ko din hilig makipag-siksikan sa mga ganyan. Yung tipong magsisigaw at tatakbo para lang magpa-picture. Okay na sakin ang malayo basta nakikita ko pa din. Si Alden nga tinapik ko lang nung malapit siya sa stage eh kahit si cutie Baste ang gusto kong maka-picture nung nag-Eat Bulaga experience ako, hahaha.

 

 

Ito yung favorite part ko, yung kumanta siya ng I will be here by Gary V. original song by Steven Chapman. I did not imagine na mapapaluha ako pagdating sa part ng chorus. This song reminds me of someone. A promise that you will stay on his side. Anyways, enjoy lang the whole time.

 

 

 

90afc6bd4c0063e9b386cd66ec65db87

Almost 9pm na nung natapos yung show, at 10pm na ako nakalabas. Bawal mag-pic at video nung hi-touch na. Madaming organizers ang nakabantay sa pila bago sa table ni Bogummy. Kasama niya din yung dalawang bodyguard niya sa table kaya sobrang strict ng rules sa Hi-touch. Nung malapit na ako, yung ate na nasa harap ko medyo makulit at pilit na pinapa-iwan yung sketchpad niya na may drawing ng mukha ni Bogummy kahit na pwede naman iwan doon sa fan letter. Kaya tinitigan ko na lang si Bogummy the whole time. Yet, na-black-out yung utak ko saglit ng may maalala ako dahil sa kaniya. May someone na pinaalala siya sakin na nakita ko kay Bogummy. Yung kamay ni Bogummy malambot na medyo rough. Someone na gusto kong makasama ulit sa Seoul trip ko ulit tapos autumn season, holding hands while walking, hahaha. Super saya nun. Sobrang lamig kasi kapag autumn sa Korea parang winter season na. Mas gwapo siya sa personal, sobrang puti niya na pale white katulad ni Lee Dong Wook. Matangkad siya eh, mas matangkad sakin, kala ko magkapareho lang kami ng tangkad. Atleast, nakita ko siya sa personal bago man lang siya mag-military kung matuloy siya this year or next year.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s