Minsan talaga mas mabuti pang makinig sa guts o hinala mo eh kaysa yung pabayaan mo na lang na mangyari yung isang bagay na parang binabalewala mo na lang o iniisantabi mo lang na hindi alamin ang totoo. Habang tumatagal ang panahon, mas lumalakas yung kutob mo na may mali sa mga pangyayari. Meron hindi tama, na nanaiisin mong malaman kung bakit ganun na lang nararamdaman mo sa isang bagay na yun o hindi ka makampante sa mga narinig mo at sinabi sa iyo. Hanggang dumating sa punto na lahat ng nalaman mo dahil sa lakas ng kutob mo, mas totoo at tama pala ang mga hinala mo. Mas tama palang pinakainggan mo yung sinasabi ng nararamdaman mo kasi in the end, ikaw yung tama. In the end, malalalaman mo na lahat ng sinabi niya sa iyo at ipinakita ay hindi totoo. In the end, ginamit ka lang niya para sa mga bagay na nais niyang makuha at magawa. All this time, malalaman mo in the end na niloloko ka lang niya at lahat ng sinabi niya sa iyo puro kasinungalingan lang lahat. Nung nalaman mo na yung buong katotohanan, naging blangko lahat sa isip mo na para kang binuhusan ng malamig na tubig. Yung doon mo nasabi na, “Tama nga ang hinala ko. Tama nga ako, na nagsisinungaling lang siya.” Doon mo makikita na tama yung mga simpleng tanong mo sa kaniya na may kahulugan sa sitwasyon niyo. Yung mga simpleng tanong na may malalim na dahilan.
Makikita mo na sinayang niya yung second chance na binigay mo sa kaniya. Second chance para itama ang mga pagkakamali niya. Sinayang niya yung kaunting tiwala na binigay mo sa kaniya. This time, hindi ka na maniniwala sa lahat ng mga sasabihin niya dahil sa lahat ng kasinungalingan na sinabi at ginawa niya. Mas mabuti pa yung sinabi niya yung totoo sa simula pa lang kahit na masakit pero mas pinili niyang lokohin ka at patagalin yung oras na malalaman mo din ang katotohanan. Dumating ka na sa point na, “Tama na, tama na itong kasinungalingan na ito.” Nasayang yung panahon at oras na ibinigay mo sa kaniya kasi lahat ng effort mo ay mauuwi sa kasinungalingan. Balewala yung ibinagay mong tiwala kasi sinayang niya yung huling pagkakatoon na itama niya lahat pero hindi pala. Nagkamali kang magtiwala uit. This time masasabi mo ng bibitawan mo na talaga siya at tuluyan mo na siyang lalayuan. This time, wala ka ng iisipin pa kasi nasagot na lahat ng katotohanan na matagal mo ng hinahanap. Yung mga kasagutan na matagal mo ng hinihintay para matahimik na ang kalooban mo. Mas pipiliin mo na lang na mawala siya sa tabi mo kaysa makasama siya na puro kasinungalingan lang ang lahat ng nangyayari sa inyo.