Break-Up Friendship

Paano mo masasabi na gusto mo ng bitawan yung isang tao? Bakit nga ba napupunta sa break-up ang isang pagkakaibigan? Una sa lahat ay kapag nasira na yung tiwala na binigay mo sa isang tao. Mahirap ibalik yung tiwala lalo na kapag inakala mong totoo siya sa iyo. Mahirap magtiwala ulit sa isang tao na paulit-ulit na nagsinungaling sa iyo. Lalo na kung sa una pa lang ay tinago na niya sa iyo yung totoo. Higit sa lahat ay kapag ilang beses na nagsinungaling yung tao sa iyo ng harapan. Kapag sobra na at napagod ka na sa sitwasyon, gusto mo na lang mawala siya sa buhay mo. Gusto mo na lang bitawan siya at burahin lahat ng memories na meron kayo kasi naging kasinungalingan na lahat ng nangyari. Darating na lang yung time na hindi mo na paniniwalaan ang mga sasabihin niya dahil sa mga kasinungalingan niya.

Pangalawa, hindi lang dahil sa tiwala na ibinigay mo. Kasama na doon yung pagbibigay halaga mo sa kaniya. In the end, para bang naging walang saysay ang mga pinagsamahan na meron kayo. Sa tagal niyong naging magkaibigan, minsan hindi mo naiisip na aabot sa punto na pwede din masira yung pinagsamahan niyo dahil sa pagtataksil niya sa iyo. Kapag napagod ka na sa sitwasyon na halos hindi mo na alam kung ano na ang paniniwalaan mo sa mga nangyayari ay doon mo na masasabi ang salitang “tama na” dahil napagod ka na. Pagod ka ng maniwala sa isang kasinungalingan na magkaibigan kayo kahit na ang totoo ay ikaw lang ang nag-isip na kaibigan ka niya.

Kaya hindi lahat ng kaibigan ay totoo dahil yung iba ay may suot na maskara. Yung iba ay nakatago lang sa maskara na inakala mong totoo sila pero ang totoo ay ginagamit ka lang pala niya. Sa mga bagay na ginawa niyong dalawa ay wala pa lang saysay iyon. Kaya hindi lahat ng nakikipag-kaibigan ay masasabi mong totoong kaibigan sila. Yung iba ay maaaring ginagamit ka lang pala. Kaya hindi lahat ay mapagkakatiwalaan at masasabi mong totoong kaibigan. Yung iba ay sinisiraan ka din na akala mong totoo ang sinasabi nila. Kaya darating yung oras na mas pipiliin mo na lang putulin ang lahat ng namamagitan sa inyo. Mas pipiliin mo na lang na mawala siya sa buhay mo at hindi na makita pa. Kaysa yung makipag-plastikan sa kaniya at panatiliin na nasa paligid mo pa din.

Mas mabuti pa yung kaunti lang ang kaibigan mo pero alam mo na sila yung karapat dapat sa buhay mo at masasabi mong totoong kaibigan. Kaysa yung may isang taong itinuri mong kaibigan pero nakatago sa maskara na may masamang balak sa iyo. Kaya mas mabuti na siguraduhin mo na talagang kilala mo na ng buong-buo ang isang tao bago mo masabi sa sarili mo na isa siyang tunay na kaibigan. Kailangan mapatunayan niya na karapat dapat siyang manatili sa iyong buhay bilang isang kaibigan dahil pareho kayong may tiwala sa isa’t-isa. Higit sa lahat ay pareho niyong pinapahalagahan ang isa’t-isa bilang magkaibigan. Kung walang tiwala sa isa’t-isa, mas mabilis masisira ang pagkakaibigan hanggang sa maging break-up friendship. Ang pagkakaibigan ay dapat may matinding pundasyon para hindi masira at yun ay nagsisimula sa pagtitiwala para hindi nauuwi sa break-up. Mas mabilis kasi masira ang friendship kapag broken trust na.

Ikaw, lahat ba ng kaibigan mo ay totoong kaibigan mo dahil sila yung masasabi mong mapagkakatiwalaan mo ng buong-buo or meron ka din taong binitawan para makipag-break friendship dahil sa mga conflict na meron kayo?

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s