Have you ever break a good relationship with someone so close to you? Have you ever hate a close friend? What if kung yung unexpected thing ay bigla na lang nangyari na sobrang ikinagulat mo na lang? What if kung dahil sa isang tao ay pwede pa lang sirain nito yung close relationship mo sa taong pinagkatiwalaan mo? What if kung hindi niya narealize yung fault niya sa mga pangyayari? What if kung pagkatapos ng isang problema ay madami na ang nagbago sa pagkakaibigan niyo? Yung mga thought na, hindi mo inaakalang mangyayari. Lalo na yung magkaroon ng gap sa relationship niyo as close friend. Tama pala ang kasabihan na, “Once na may crack na, mahirap ng ibalik yung dati.” It takes time para maging maayos ulit ang lahat. I’d just realized na, “Love is blind.” Totoo siya at some point. How can someone change their right perspective because of love? I mean, yung alam mo na nga yung mali pero ginagawa mo pa din at the same time ay mas kakampihan mo pa yung tao kasi mahal mo. For example, “Because of that someone ay masisira yung good relationship niyong dalawa ng kaibigan mo.” Why? Kasi mas pinaniwalaan niya yung taong yun dahil mahal na niya. Slowly, makikita mo na lang yung mga changes na nangyayari pero para sa kaniya ay wala lang yung bagay na yun. Slowly, nagkakaroon na ng gap between you and your friend. Slowly, nawawala na din yung trust. In just one snap, nagbago ang lahat. In just one event, bigla na lang nagbago yung ikot ng mundo. It’s just like, “Bahala na. Okay lang kahit hindi na kami mag-usap kung bakit ganito ako ngayon kasi naniniwala ako sa sinabi ng taong mahal ko.” How can someone felt okay kahit na unti-unti ng nasisira yung good relationship niya sa taong mas close sa kaniya at mas nakilala niya kaysa sa taong bigla na lang dumating sa buhay niya? Ganun na nga ba kapag nagmahal ang isang tao? Yung mas kaya mong ipagpalit yung pagkakaibigan niyo dahil sa pag-ibig. Yung kasabihan na, “Nagkaroon lang ng mahal, ipinagpalit na ang kaibigan.” Siguro nga totoo yung salitang yun. Kayang ipagpalit ng isang tao ang pagkakaibigan, alang-alang sa taong mahal niya.
Slowly, nawawala na yung trust dahil sa love na yun. Those years you build as good friends, madali lang nasira dahil sa pagmamahal niya sa isang tao. Slowly, yung communication at bonding na meron kayo noon ay nawawala na. Things have changed between you and your friend. Yung mga simple things na ginagawa niyo noon ay hindi na nagagawa ngayon. Sometimes maalala mo na lang din yung mga small talk niyo na nagbago na din dahil sa actions niya. Masasabi mo na lang din na, “Tama nga pala yung sinasabi nila na kapag may lamat na mahirap ng ibalik yung dati.” Ang mas mahirap kapag siya na yung mismong nagbago at hindi naman niya nakikita yung mga bagay na nagbago na. Yung akala lang niya na simpleng bagay lang yung nangyari pero hindi na niya nakita kung ano yung mga bagay na nagbago sa inyo ngayon. Kung dati ay may mga simple o malalim na bagay kayong mga pinag-uusapan pero ngayon kahit sa simpleng bagay na kamustahan ay wala na din. Kung minsan mag-aassume pa siya na alam mo yung isang bagay kahit na wala naman siyang ikinukwento sa iyo pero sinabi na niya sa iba. Kung minsan magdadalawang-isip ka na lang kung ikukwento mo sa kaniya ang isang bagay o hindi kasi parang hindi na kayo ganun kakomportable ngayon. Wala na yung mga kwentuhan na, “Uy, alam mo ba?” o “Uy, may sasabihin ako sa iyo.” Yung mga linyang excited kang sabihin sa kaniya o gusto mong mapag-usapan niyo. Tapos magtatawanan kayo at magkukulitan dahil sa topic na hanggang sa lumalim na yung usapan na parang wala ng bukas. Yung mga bagay na kahit sa simpleng kwentuhan ay matatawa na lang kayo. Once na may isa ng nagbago, unti-unti ay magbabago na din lahat. Yung hindi mo alam kung maibabalik pa ba yung bagay na yun o hindi na kasi may nagbago na. Hindi mo alam kung mangyayari pa ba ulit yung dati o hindi na dahil may nagbago na sa inyong dalawa. In short, para na siyang break up with your close friend kasi things end sa inyong dalawa dahil sa maling tiwala na binagay niya sa taong minahal niya kapalit ng pagkakaibigan na meron kayo.