Oh My Baby 2020 Korean Drama Review

Description:

Aged 39, Jang Ha Ri is the ultimate workaholic. She hasn’t even had a boyfriend in the past decade, long ago decided to forget about looking for love, and instead has thrown her energy into her career.

However, as she works as a senior reporter for a parenting magazine named “The Baby,” she is constantly reminded of the one thing she wants most in life – to have a baby of her own. She decides to cut to the chase and try for a baby but wants to skip one key stage – and resolves not to marry.

But as she turns her mind to single parenthood, she suddenly realizes that she is surrounded by admirers: freelance photographer Han Yi Sang, super-smart pediatrician Yoon Jae Young, and the office newbie, the doting Choi Kang Eu Ddeum.

Could any of these three love candidates help Jang Ha Ri in her quest to become a mother? And could her quest inadvertently send her on the path to true love?

  • Director: Nam Ki Hoon [남기훈]
  • Country: Korean
  • Status: Completed
  • Released: 2020
  • Genre: Comedy, Drama, Romance

Review:

Dito ka mapapa-isip kung mag-aasawa ka pa ba? Kung maghihintay ka pa ba ng right person para sa iyo? Kung magmamahal ka pa ba ulit. Both of them ay may struggle. Si Ha Ri gusto niyang magkaroon ng sariling baby pero wala pa siyang boyfriend at mababa na ang chance na magkaroon ng sariling baby. Si Han I Sang, broken dahil sa first relationship siya. Same with Ha Ri na may problem sa pagkakaroon ng sariling anak.

What I love this series ay kung paano mo makikita yung deep relationship niyo ng partner mo. Kung paano niyo titignan yung situation lalo na kung may mag-sasacrifice. Sa panahon ngayon, madami na din ang mga nasa age of 30s to 40s na mas nabigyan ng halaga ang career bago ang lovelife. Yung iba ay hindi lang talaga nila alam kung kalian sila magkakaroon ng partner in life. Madami din kasing pwede maging reason kaya late na nakapag-asawa ang isang tao. Meron din ilan short story sa ilan characters ang pinakita dito na hindi lang kay Ha Ri at Han I Sang naka-focus. Pinakita din dito yung hirap ng maging isang single parent, yung pagiging magulang na lahat ay gagawin para maibigay sa anak lahat ng kailangan niya, DINK Couple (Double Income No Kids), at Motherhood (kung gaano kahirap magkaroon ng anak (pregnancy) or gustong makabalik sa work kahit may mga anak na). More on about family siya na may different levels.

Ang nagustuhan ko din dito ay kung paano mo ipaglalaban yung pagmamahal mo kahit na alam mong malabo na matupad yung pangarap mong magkaroon ng anak. Yung kahit na may struggles ang mahalaga ay kasama mo siya at karamay ka niya sa lahat ng bagay. Sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng partner na very understanding, loyal, caring at fun-loving. Kung mapapansin ngayon, madami kang makikita na divorce or broken family. Kaya nakakatuwang makakita na mag-asawang tumandang magkasama kasi yun yung masasabi mo na growing old together, till death do us part.

Sa palabas na ito, masusubok yung relationship niyong dalawa. Kung kaya mo mag-hold on kahit na alam mong may possibility na hindi matupad ang pangarap mong magkaroon ng anak. Or mag-give up ka na lang ulit katulad ng nakaraan pero may regret. Mahirap din magmahal. Hindi lahat ng nagmamahal may happy ending. Kung minsan kailangan mo din bumitaw kung alam mong hindi ka na masaya sa kung ano ang meron kayo ngayon. Lalo na kung yung partner mo ay hindi na din umaasa na magiging okay lahat. Kung yung partner mo ay willing na makasama ka at magpapatatag ng loob mo sa kahit anong pagsubok na meron kayo. Doon mo makikita na talagang mahal ka niya kasi hindi ka niya bibitawan sa kahit anong laban. Mas mahalaga ay kasama mo siya sa lahat ng bagay. Masaya man o mahirap man, nandiyan siya para sa iyo. Doon mo masasabi na siya na yung taong makakasama mo habang buhay kasi nandoon yung commitment. Karamihan ng mga relationship ngayon ay hindi na tumatagal. Meron mga relationship na hanggang boyfriend-girlfriend lang pero kapag pinag-usapan na ang kasal, doon na nawawala. Kaya dapat malinaw din sa relationship niyo kung may balak siyang magpakasal at hindi para lang masabi na couple kayo. Kapag pumasok ka sa isang relasyon dapat malinaw sa inyo pareho kung ano yung mga gusto niyo in the future. Katulad sa palabas na ito, alam nila sa isa’t-isa kung ano ang weakness nila at kung ano ang pangarap nila in the future. Maganda sa relationship ay yung pinag-uusapan niyong maigi ng partner niyo yung mga bagay-bagay para sa future niyo. Yung kung paano niyo aayusin yung problema, kung paano niyo bibigyan ng support ang isa’t-isa at kung paano niyo ma-eenjoy yung pagsasama niyo. Ang maganda din sa pagkakaroon ng partner in life ay yung support and love. Mahirap kasi yung may gusto kang gawin pero parang balewala naman sa kaniya. Maganda din yung pareho kayong nagbibigay ng support sa isa’t-isa sa kahit anong bagay.

Speaking of waiting, I think totoo talaga yung right time, right person kasi hindi mo naman maipipilit ang isang bagay kung hindi talaga para sa iyo. I mean, kahit mahal mo ang isang tao pero kung alam mong hindi na talaga mag-wowork yung relationship, wala din. Kung pareho kayong give up na sa situation, wala ng mangyayari. Kung sa tingin mong kailangan mo lang ipakita sa kaniya na kaya niyong lagpasin yung pagsubok, magiging okay ang lahat. Katulad ng pinakita ni Ha Ri, hindi na mahalaga kung ano yung maging pagsubok nila as long as kasama niya si Han I Sang. Sa relationship, kailangan balance. Yung tulungan kayo sa lahat ng bagay.

Maganda din yung sinabi ni Ha Ri na, “I won’t let go of someone I love. I know that having a baby is a miracle. But I haven’t fallen in love for the past 10 years. So love is also a miracle to me.” Sa love, hindi mo naman alam kung kailan darating yung taong mamahalin mo habang buhay. Kung minsan hindi mo na din alam kung naghihintay ka pa ba o nag-eenjoy ka na lang sa kung ano ang meron ka. Kadalasan na kasabihan, “Darating kung darating, kung wala edi wala.” Hindi mo naman alam kung sino yung right person na nakalaan para sa iyo. Kaya kung wala pa, enjoy single life na lang. Enjoy mo na lang muna yung mga bagay na gusto mong magawa habang wala pa yung right person para sa iyo. Kapag minadali natin ang relationship, doon nagiging sablay kasi hindi tayo naghintay para sa tamang panahon para makilala natin yung the one.

Katulad ng ginawa ni Han I Sang, sinubukan niya na lang muna maging masaya at gawin yung mga bagay na hindi niya nagawa noon. Nung dumating si Ha Ri, nagbago ang thinking niya about marriage. Kung naging failure yung past love mo, it doesn’t mean na wala ng ibang pwedeng magmahal sa iyo. This time may mas makakaunawa sa iyo. Yung mas tatanggapin ka ng buo at mamahalin ka ng sobra-sobra. Yung someone na babaguhin ka. Someone na tutulong sa iyo na maging better person ka. Someone na mag-lilift up sa iyo. Kapag dumating na yung right person, hindi mo na maitatago yung nararamdaman mo. Mahirap itago yung totoong nararamdaman mo para sa kaniya. Kung mahal mo talaga, ipaparamdam mo yun at ipapakita mo sa kaniya. Ipaglalaban mo yung pagmamahal na yun. Kaysa yung mag regret ka na dumating siya sa buhay mo pero pinakawalan mo pa. Yung alam mong mahal ka din niya pero too late na para malaman niya yung totoo na mahal mo din siya. Bakit mo pa sasayangin yung panahon kung alam mo naman mahal niyo ang isa’t-isa?

Masarap isipin yung may isang tao na  makakasama mo habang buhay. Yung magbibigay sa iyo ng support at mamahalin ka ng buo. Yung taong makakasama mo sa bawat travel mo. Makakasama mong maglakad sa park at pagmamasdan ang mga paligid. Makakasama mong mag-stargazing sa gabi habang kumakain ng cup noodles na may kasamang kape. Makakasama mo sa mga trip mo. Yung sasabihan mo ng “I do” sa simbahan. Yung taong tutulong sa iyo na tuparin ang mga pangarap mo. Yung makakasama mo habang buhay. Kaya kapag dumating yung right person at the right time, bakit ka pa aatras kung nandyan na siya? Kung ang kailangan na lang ay yakapin mo yung moment para makasama siya habang buhay.

Dahil sa palabas na ito, naalala ko yung solo trip ko sa Korea. Matutuwa ka na lang sa mga couple nila kasi para ka na din nanuod ng Kdrama. Madaming naka-couple shirt, couple long pad jacket, couple shoes, couple biking, at couple na nakasuot ng hanbok. Yung mas nagustuhan ko ay yung happy family at mag-asawa na magkasama sa park. Kung solo trip ka tapos puro couple makikita mo, maaaring may someone na maalala ka o memories na pwedeng magpaalala sa iyo. May mga lugar sa park na magandang mag-picture ng couple katulad sa last episode na nasa park si Han I Sang na nag-picture sng iya ng matandang mag-asawa. Sa Nami Island, madaming family akong nakitang ganun pero natuwa ako sa mag-asawang nakasabay ko sa pila sabi ng asawa niya, “nilalamig ka ba?” tapos sabay hinahawakan ng asawa nya yung kamay ng babae para mainitan siya kasi autumn season tapos gabi na kaya sobrang lamig. Natuwa ako nung nakita ko yung sweet gesture ng husband sa wife niya. Nakakatuwa yung magkaroon ng loving-caring na partner. Kapag mapagmahal ang asawa mo sa iyo, mas lalo mo siyang mamahalin at aalagaan kasi masarap sa pakiramdam na ganun siya magbigay pagmamahal sa iyo. Sa simple sweet gesture ay malaking bagay na yun kasi doon mo makikita kung paano siya mag-alaga sa iyo. Kaya natutuwa ako sa mga ganun mag-asawang nakita ko sa Nami Island. Iisipin mo na lang din na masarap sa pakiramdam na ganun siya magmahal sa iyo kapag dumating yung partner in life mo. Kaya sa Korean drama na ito, ang dami kong na observe na mas malalim pa sa simpleng romcom type na series kasi dito pang-lahatan. Hindi lang siya focus sa pagiging happy ending. Nakafocus siya sa kung paano niyo haharapin yung pagsubok bilang couple na gustong magkaroon ng simpleng pamilya. Kumbaga may life lesson din siya kung titignan mo sa iba pang perspective at hindi lang sa nagkatuluyan sila sa ending. Kaya sa mga nagmamahal o naghihintay ng right person nila, baka nandyan lang at hindi mo pa nakikilala o nakikita. Hinihintay ka lang din niya. The right person will come at the right time.

OH MY BABY OST

Love is All Around by I’ll
Goodbye by SOYOU
Raindrops by CHEEZE
Like A Star by Kwon Jin Ah
Beautiful by Kim Sung Kyu
Only You by Martin Smith

My Favorite Scenes

My favorite couple shots I have taken during my trip to Korea

Music video or Lyrics Video of Oh My Baby OST



MV Goodbye by SOYOU


MV Beautiful by Kim Sung Kyu



Lyrics Video of Love is All Around by I’ll



Lyrics Video of Goodbye by SOYOU



Lyrics Video of Raindrops by CHEEZE



Lyrics Video of Like A Star by Kwon Jin Ah



Lyrics Video of Beautiful by Kim Sung Kyu



Lyrics Video of Only You by Martin Smith


Advertisement

One thought on “Oh My Baby 2020 Korean Drama Review

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s