TRAVEL TIPS – TAIPEI, TAIWAN

Last November 2019, second time na nagpunta ako ng Taipei pero solo trip. Mas madali ko na lang nalibot dahil alam ko na kung paano ang transportation sa kanila at mga dapat gawin kapag province area. Although, sa railway system nila medyo nalito pa din ako kasi ang dami, hahaha. Ito yung mga natutunan ko sa paglibot ng Taipei lalo na yung common questions na hindi ko makita sa ibang website or blogs.

  1. TRANSPORTATION

PhotoGrid_1573312590038

  • Metro Bus – most likely, matagal ang dating ng bus sa station. So better use an app para alam niyo kung anong oras darating ang bus. Kapag ganitong bus, kadalasan yan yung mga bus na per station lang.
  • Bus Tracker Taipei – ito ang useful app kapag mag-bus especially outside Taipei lalo na kapag countryside area na walang MRT. So more on bus ang magagamit. Nadiscover ko lang to nung 3rd day. Inaral ko pa siya gamitin. Anyways, check google map first kung ano ang destination. Then check the bus number. Take note the station area kasi may area na same number pero different direction like sa Keelung going to Yehliu. Most likely 30mins ang dating ng bus. So kapag naiwan ka ng bus, another 30mins. Talo ka sa oras lalo na kapag wala kang ibang choice. So ito ang best app para alam mo kung malapit na yung bus. May ilan naman sa Taipei na 10-15mins. Depende nga lang sa area kung may iba pang bus number ang available. Kung minsan kasi 2 or tatlo ang bus number na nakalagay sa google map pero ang actual ay 1 or 2 lang ang available na bus.

Take note, madaming itinuro bus number sa amin si Kuya pero matagal dumating at yung 2 bus number, wala. Kaya isa lang ang bus number na available. Plus, pagdating sa province katulad nitong sa Keelung papunta kami ng Yehliu Geopark, Mandarin na ang nakasulat na mga place sa bus number list. Kaya kapag malayo na sa Taipei, kadalasan Mandarin na ang nasa bus number list.

Kapag rush hour, not good din sumakay sa bus kasi punuan na or siksikan, madalas ay traffic din. Compare sa MRT na in 10mins may next train agad.

  • Provincial Bus – iba ang bus na sasakyan kapag papunta sa provinces katulad ng Taipei to Keelung. Sa Kou-Kuang Bus Taipei Terminal ang sakayan nito. Dito din ang bus papuntang Taoyuan Airport. Ang kagandahan dito ay pwede kang makakuha ng ticket ng maaga kasi 24hr sila pero depende sa schedule ang biyahe. Kaya dapat alam mo ang schedule ng trip nila lalo na ang airport bus. Ang bus nila ay may free USB charging per seat. Kaya kahit na malayo ang biyahe, pwedeng mag-charge ng phone or power bank. Meron din fire exit sa bus.
  • MRT – dahil mahirap gumamit ng bus sa Taipei compare sa Seoul, South Korea. MRT ang pinaka-choice kong sakyan sa Taipei. Although, pagdating sa mga province like Keelung at Jiufen, bus talaga ang masasakyan pagbaba ng train or provincial bus galing Taipei. Kung around Taipei lang ang mga pupuntahan, MRT ang best choice para makagala. Yung ibang tourist spots naman sa Taipei ay walking distance lang kaya madali na lang maglibot. Plus, meron din public lockers sa MRT. So kung madami kang bitbit or mga binili, pwede kang kumuha ng locker para less hassle sa paglibot kung doon ka din naman babalik sa MRT na yun. Per hour ang bayad, kaya maganda kung may kasama ka at share na lang sa isang locker kasi malaki din naman yung locker nila.
  • Ang kagandahan din sa MRT, kahit na rush hour mabilis naman dumating agad ang next train. 5-10mins may train na agad. Tapos spacious din karamihan ang mga train station nila. Kaya mas convenient din na ito ang sakyan lagi kaysa mag-bus.

IMG_4603

  • Meron din ilan station na may free drinking water katulad sa Tamsui. So, kung may bottled water kayo, good din yun.

IMG_4573

  • Taiwan Railway – ito yung ginagamit kapag galing Taipei papunta sa mga province sa Taiwan. Check niyo lang sa isang blog ko yung tips kung paano ang railway system nila.
  • Link:

https://jamaelukban.com/2019/11/20/taiwan-trip-travel-tips-taipei-to-ruifang-by-train-jiufen-and-shifen/

IMG_3987

2) FOODS and DRINKS

  • Ordering – every time na papasok sa mga kainan, lagi kanilang aabutan ng menu agad na may kasamang order sheet. Doon mo isusulat kung ano ang order mo. Yung iba naman, menu lang ang iaabot tapos ituturo mo na lang kasi minsan hindi sila marunong mag-English at Chinese pa din ang menu. Meron naman ilan restaurants nasa itaas na menu board ang ituturo nila para mas madali ang pag-order.
  • Rice meal – pagdating sa pagkain, kung mahilig kayo sa rice huwag kayong mag-expect masyado kasi ang Taiwan parang Hong Kong, Macau, at China. Hindi sila masyadong nag-seserve ng rice kapag nag-check kayo ng menu sa mga malilit na restaurant or fastfoods. I swear, nung first time kong pumunta sa Taipei kasama ang friend ko. Nahirapan kaming maghanap ng rice meal compare dito sa Pilipinas na karamihan sa menu ay may rice. Most likely, noodles, chicken at dumplings ang makikita sa mga fastfood. Kapag rice meals, bibihira lang. Sa mga authentic restaurant nila, makikita ang rice meals na katulad ng mga Chinese restaurants dito sa Pinas. Meron mga rice meal na mabibili sa 7/11 at ibang convenient store pero packed meal. So kung mahilig kayo sa rice, magtingin na kayo ng mga restaurant or fastfood na may rice meal. Don’t expect McDonalds kasi puro burger at chicken ang nasa menu nila. Also, iba-iba ang menu ng McDonalds sa ibang bansa. Sa Ximending night market, isa lang ang nakainan kong fastfood na may rice meal.
  • Tea – ang walang sawang tea. Guys, if you love tea or milk tea, Taiwan is your heavenly tea place. Sa convenient stores palang pagpasok niyo, puro tea ang nandoon. Meron pa silang promo na buy 2 take 1 or buy 3 take 1. Depende sa brand at promo na nakalagay sa tabi ng price ng drink. So good yun sa mga mahilig sa milk tea or kung may gusto kayong bigyan. Yung 7/11 malapit sa hostel ko na Sleepbox Hotel, 3 refrigerator puro milk tea. In short, anywhere you go ay may tea. Kung hilig niyo din ang fresh tea, madami kayong makikita dito.
  • Chicken – speaking of fried chicken, slightly hindi ko masyado nagustuhan ang fried chicken ng Taipei kasi parang iisa lang ang timpla nila. Yes, masarap ang Hot Star Large Fried Chicken pero kapag pumunta ka sa Taipei, madaming store na nagtitinda ng ganun klaseng fried chicken at karamihan sa kanila magkakapareha lang ang lasa. Also, masyadong maalat ang pagkakatimpla compare sa Hot Star dito sa Manila. Salty sila magtimpla kahit sa sauce ng siopao nila. No kidding. Mag-dumplings ka na lang, mas masarap pa. Plus, parang yun at yun na lang lagi mong maamoy sa daan. Amoy fried chicken.
  • Dumplings – ito talaga ang winner sa Taiwan at favorite ko sa lahat, dumplings. Ito ang napakadaling hanapin sa lahat. Ang dumplings nila, sobrang matatakam ka sa sarap at laki ng servings. Sa ilang restaurant 8 pcs per serving ang dumplings nila, sobrang busog ka na dahil malaki ang gawa nila. Kaya good for 2 na per serving. Lalo na kung Xiao Long Bao ang inorder mo, sobrang sulit dahil sobrang sarap ng mga dumpling nila. Sobrang sinulit ko ang dumplings sa Taiwan kasi authentic, masarap at madami pa ang serving lalo na ang xiao long bao. Bihira din kasi ang xiao long bao dito sa Manila. Sakanila, kahit saan meron.
  • Noodles – sa bawat restaurant, may kaniya-kaniyang timpla ng soup. May ilan akong nakainan na sakto lang ang lasa, pero nilalagyan ko pa ng soy sauce kapag kulang sa timpla. May ilan naman na sobrang sarap ng soup kaya yung sabaw palang enjoy mo na. Madalas akong umorder ng wonton dumpling soup lalo na sa gabi kasi may pag-ulan tapos malamig ang panahon.
  • Night Market – sa mga night market, madami kang choices. Yun nga lang, kung gusto mo matikman yung iba’t-ibang food or snack nila dapat may kasama ka kasi may ilan ay maramihan ang serving.
  • Street food – may ilan kaming nabilhan na waffle na nagtitinda lang sa gilid ng daan, iba-ibang area mo lang sila makikita. Sa Taipei, napansin ko na may oras lang sila para magtinda sa daan. Meron permit na nakadikit sa wall at kung saan lang may permit doon lang sila pwede magtayo ng tinda nila. Katulad sa night market may oras lang sila para magtinda sa gitna ng kalsada. Pagdating ng 8pm, nasa mga eskinita na sila naka-pwesto.
  • Time – always do a time check kapag gabi na para kumain ng dinner kasi may mga restaurant na maagang nagsasara. Meron ilan ay 8pm pa lang, nag-aayos na sila ng tables kasi by 9pm ay sarado na sila. So, kung mag-dinner kayo dapat 6pm or 7pm nasa isang restaurant or fastfood na kayo kasi strict sila sa time. Kaya dapat alam niyo kung saan kayo kakain ng dinner para hindi kayo mahirapan maghanap ng place sa gabi or mag-end up sa convenient store.
  • Drinking water – speaking of free drinking water, sa mga restaurants or fastfood, don’t expect a drinking water. Unlike sa Pinas, automatic na may tubig kapag kakain sa mga restaurant or fastfood. Don’t expect na meron sila kasi hindi sila nag-seserve ng libreng tubig katulad sa Singapore. Kaya sa guest house or hotel, pwede kang makakuha ng free drinking water. Basta may sarili kang bottled water or tumbler para on the way may tubig ka. Mahal din kasi ang tubig sakanila kaya mas better na may tumbler kang dala para sa tubig. Kaya sa ilang fastfood, may softdrink or juice na ang meal nila pero kapag tubig sa convenient store ka pa bibili. Yung 1 litro ang mas mura compare sa 12 oz.
  • Convenient stores – ito ang lifesaver mo kapag wala ng bukas na kainan kasi may packed meal naman sila, breads, at kung anu-ano pa. Plus, wala silang plastic bag. May bayad na 2 TWD ang ecobag nila. Take note, hindi lahat ng convenient store ay 24/7. Katulad sa ilan na 7/11, meron stores na hanggang 10pm lang kasi by 11pm nag-aayos na sila ng inventory. So, better check the time na kailangan mo ng pagkain. Mas okay na, bumili ka muna ng food bago bumalik sa hotel.

3) TOURIST SPOTS

IMG_20191030_230255

  • Easy access – Ang kagandahan sa tourist spots nila ay magkakadikit lang katulad sa South Korea. Yung iba ay walking distance lang. Meron naman iba na 1 MRT Station away lang. Yung iba naman, nandun na mismo pagbaba sa isang station katulad ng Chiang-Kai Shek Memorial or Taipei Zoo. Maraming ganun sakanila na pagbaba mo sa isang station, may tourist spot agad. Kaya hindi ka na mahihirapan kung nasa Taipei ka lang maglilibot. So better check the map or plan ahead.
  • Schedule – Aside sa madali lang makita ang ilan tourist spots base sa MRT lines, check their schedule. May ilan museums or tourist spots na close kapag Mondays. Kaya plan ahead at check their schedule sa main website nila para sure kayo na open sila sa date ng punta niyo. Plus, hindi maganda pumunta ng weekends or holidays nila kasi sobrang dami ng tao. Ang crowded ng tourist spots at napaka-sikip sa mga daan.

IMG_9454

  • Brochure or Guide Maps – ang kagandahan sa Taiwan, madami silang brochure or guide maps per place. Hindi lahat ng information ay makikita sa website nila. Kaya maganda na kumuha ng mga brochure at guide maps nila para mas may idea ka sa lugar. Yung iba kasi wala sa google map or hindi agad makikita sa google map. May ilan din sa brochure nila ang history ng place. So, may matutunan ka din. Good din ito kapag bumalik sa Taiwan kasi makakatulong siya sa pag-gawa ng itinerary. Detailed din ang ilan guide maps nila kasi may schedule din nakalagay. May iba’t-ibang language din available, Japanese, Korean, Chinese at English. Yung iba English lang ang available maliban sa Chinese.
  • Free stamp souvenir – karamihan sa mga tourist spot nila ay may free stamp souvenir. So, kung may diary or journal kayo better to bring one sa trip niyo pagpunta ng Taipei kasi libre lang. Lalo na kung DIY kayo or tipid mode. Great souvenir na din ang stamp sa journal.
  • Toilet – speaking of toilet or comfort rooms, karamihan sa kanila ay may bidet at tissue paper. Malinis ang toilet nila pero hindi lahat ay modern toilet na. May ilan mga toilet pa din na squat toilet sa mga old establishments katulad ng Taipei Zoo or ilan MRT Stations. Sa Taipei Zoo, squat toilet pa din sila pero sa Taipei Zoo MRT Station ay modern toilet. Kaya may iba na ayaw gumamit ng squat toilet, ay nagpupunta na lang ng MRT Station bago umuwi dahil sa mga squat toilet at hindi na din ganun kalinis tignan. Kaya yung iba na ayaw sa squat toilet, hinahanap nila yung modern toilet. Mas madaling makita ang modern toilet dahil sa malaking sign sa labas ng c.r. Kaya doon malalaman mo na modern toilet na siya. Just like in China, kapag old establishment expected na squat toilet ang meron at hindi ganun kalinis. Unlike sa Macau at Hong Kong, bihira na ang squat toilet. Also, May ilan 7/11 sa kanila na may toilet, base sa sign ng store. Kaya kapag sa ilang Night Market, may makikitang toilet sign ang 7/11 lalo na kapag malayo sa public toilets or MRT. Kaya pwedeng ma-check ang ilan 7/11 kung may toilet sila. Sa mga public toilet, malinis sila lagi katulad ng toilet sa 228 Peace Park. Kaya hindi mahirap maghanap ng malinis na c.r. kahit saan ka magpunta sa Taipei.
  • Souvenir Coins/Penny – isa ito sa collection ko nung nag-US kami. So, nung makakita ako ng souvenir coins or penny sa Taipei, ito ang mga dagdag sa collection ko. Good thing din ito sa mga ayaw ng bulky or mabibigat na souvenir. Ito madali lang i-collect sa Taipei kasi sa mga tourist spot meron nito katulad ng Jiufen Old Street, Shifen Old Street at Beitou Thermal Valley.

IMG_9262

  • Bike Rentals – YouBike ang tawag sa yellow na public bike rentals nila. Kailangan meron kang sim card ng Taiwan kahit isa para sa registration ng EasyCard mo. Up to 5 EasyCard ang pwede mailagay sa registered na Youbike. Kung group of 5 kayo, good na ang isang sim card for registration. Check their website for registration and instruction.

4) MONEY

  • Money Changer – mahirap makahanap ng money changer sa Taiwan. Ang best option ay Taoyuan Airport or Songshan Airport pero dahil malayo ang Taoyuan Airport, sa Songshan Airport ang magandang puntahan by MRT lang. Syempre, hindi ganun kalaki ang exchange rate compare sa Pinas ka magpapalit ng Taiwan dollars. Kaya better na may sobrang Taiwan dollars kaysa magkulang. Kung sakaling kailanganin ng Taiwan dollars, mas mabuting Philippine peso ang gamitin kasi sobrang lugi ka sa US Dollars. Ang kailangan na hahanapin nila ay ang passport mo kapag magpapapalit. Sa bawat exchange ay may charge kaya dapat isang palitan lang para hindi malaki ang charge.
  • Credit Card – another option ay credit card para hindi kaagad maubusan ng Taiwan dollar. Also, next billing payment siya lalabas so hindi hassle, itatabi mo na lang yung extra budget pambayad sa ginamit na credit card. Maganda lang siya gamitin kung talagang malaki yung ibabayad or wala ng option kasi konti na lang Taiwan dollar. Kapag credit card sa hotels, kailangan nila ng passport pero kapag sa mga store hindi na kailangan.

6) SOUVENIR STORES

  • Souvenir shop – pagdating sa souvenirs or pasalubong snacks, mas mura sa Underground Mall ng Taipei Main Station.
  • Sa Z Station Front Mall, katabi ng K Underground Mall (eslite) bago mag-exit ng Zongxiao W. Road.
  • Kapag bumaba ka sa Underground Mall galing sa loob ng Taipei Main Station, nasa left side ang escalator ng Underground Mall at right side ang Airport MRT. Pagbaba ay diretso lang hanggang dulo tapos may makikita ng Z signs (pink). Right side na hanggang sa makita ang Souvenir Shop at sa next 3 stores makikita ang mga snack. Mas mura din dito ang snacks kasi sa 4 boxes ay may free ka ng 1. Compare sa Ximending, kailangan 5 boxes. Dito 3 boxes lang depende sa klase ng snack like mochi, egg roll or biscuit.

IMG_20190320_112918

Note: Hindi lahat ng souvenir ay meron sa Souvenir Shop ng Z Station Front Mall. So kung simpleng ref magnet lang para lang may souvenir, meron doon at lantern souvenir. Yung iba, sa mga tourist spots lang talaga sila nabibili. Kumbaga, hindi mo makikita sa ibang stores. I suggest na mag-check muna sa Z Station Front Mall bago niyo puntahan yug mga tourist spot para alam niyo kung may kapareha o wala. Also, karamihan sa mga store nila ay bawal mag-picture ng product nila.

6) HOTELS

Pagdating sa hotel or hostel, marami din naman sa Taipei na malalapit sa mga night market pero I suggest yung mga hotel na malapit sa MRT. Yun yung pinakamagandang transportation kasi sa lahat kapag mag-tour around sa Taipei. Also, less hassle din kapag papunta ng airport lalo na sa mga solo traveller na tipid mode din. Mahal ang taxi sa Taiwan. Mas mahal ang transportation sa lahat. So, better na magbook ahead ng airport transfer kung ayaw niyo mag-bus or airport train. May mga hotel na malapit sa park kung gusto niyo din na tumambay minsan sa park pagdating ng hapon.

7) PARKS

Ang mga park sa kanila ay open sa public katulad ng 228 Peace Park. May gate yung park pero hindi siya nag-sasara. Open lang yung park lalo na kung gusto niyo mag-jogging sa umaga or late night na kayong dumating galing sa airport, walang problema. Ang kagandahan din sa park nila, hindi ganun kadilim. Maraming ilaw pa din ang bukas kaya okay din tumambay minsan.

IMG_20190323_090921

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s