Kung mahilig kayo sa arts at mga miniature type, the best itong place sa Taipei. Sa last day ko, pinuntahan ko itong Miniature Museum of Taiwan.
TRANSPORTATION
Songjiang Nanjing Exit no.5
Sa exit no.5 meron mahabang hallway ang madadaanan papunta sa exit at medyo mataas din ang stairs niya. Pwedeng mag-alternative sa exit number 4 kung ayaw niyo mahirapan sa pag-akyat o baba ng hagdan. 3 blocks away galing sa Exit no.5 ang papunta ng Miniatures Museum. Habang naglalakad ako, bumili na din ako ng snack.
MINIATURES MUSEUM
Ito ang building ng museum. Just in case na mahirapan kayo sa google map.
ENTRANCE
SCHEDULE, ADMISSION FEE, and FREE WI-FI
Note: No food allowed. Iiwanan yung food sa counter nila.
INSIDE THE MUSEUM
Iba’t-ibang klase ng miniature ang makikita sa loob. Kung mahilig ka sa Japanese miniature arts, meron din sila dito. May mabibilhan din nito sa store nila pagdating sa exit. Malaki ang lugar niya kaya madaming makikita dito sa loob.
FREE SOUVENIR STAMPS
Ito ang hindi mawawala sa Taipei kahit saan ka magpunta. Ang souvenir stamps nila sa bawat museum, park at train stations. So better get one as free souvenir.
MUSEUM SHOP
Sa exit ng museum, ang Museum Shop ang madadaanan. Hindi lang puro mminiature stuff ang mabibili dito. Meron din silang ibang stuff na ibinebenta. May games, puzzle-type, or displays ang meron dito. Kung mahilig kayo sa miniature puzzles, maganda din dito bumili dahil maraming choices. Enjoy! ^_^