Korean Air: Refund (Manila)

So this is it, ang daming nangyari nitong mga nakaraan araw. Sunud-sunod ang cases ng nCov-19 or Covid-19. Nung una, Taiwan ang nagkaroon ng travel ban pero after ng ilan days, na lift ang travel ban. Then, nagtingin ako sa website ng Korea Centers for Disease Control & Prevention (KCDC), para malaman ko kung ilan na ang total cases nila lalo na ang per area nila. Hindi naman ako kinabahan kasi I know na sa Seoul ay mababa lang ang case at yung mga positive sa nCov ay naka-isolated. I checked some youtube videos kung paano ang process nila sa Korea.

 

After a few weeks pagkatapos sa Taiwan travel ban, mas dumami ang case ng South Korea dahil sa Shincheonji Church, Daegu. Kaya pagdating ng Febraury 23, 2020, Sunday, doon na nagkaroon ng announcement tungkol sa travel ban. Then doon na nagka-problema. Ang Korean Air, wala agad siyang inilabas na waiver para sa refund. Mahirap ma-contact through call at facebook service nila. Kaya kailangan puntahan sa NAIA.
Nagkaroon ng lift pagdating ng March 3. Nung una, wala talaga akong plano mag-cancel ng flight kaso naawa ako sa kasama ko. Kapag umalis ako ng March, hindi siya makakasama dahil hindi siya nakakuha ng leave agad. So, change of plan na lang. Kaya nagpunta ako ng NAIA Terminal 1 para sa waiver ng refund kasi ang fee nila sa refund penalty ay 100 USD. Kaya kailangan ng waiver para sa full refund.

 

NAIA Terminal 1 

IMG_20200307_123707

 

Korean Air Manila Philippines Address:
Ninoy Aquino International Airport Office, Terminal 1, 4th floor Room number 443

 

Office

 

Refund Form

FormIMG_20200307_132657

 

What you need to bring:

Passport and Ticket or Show them your online booking (Korean Air App).

Note: Kung hindi available yung nag-book ng ticket, kailangan ng Authorization letter.

 

Korean Air email address:

  • mnlsmr@koreanair.com (NAIA1)
  • mnlsmr1@koreanair.com (NAIA1)
  • mnlkkr@koreanair.com (Makati Office)

 

I suggest na pumunta na lang sa NAIA 1 para sigurado na makaka-kuha ng full refund. Kapag credit card, babalik siya sa next billing ng card. Kapag cash, may process pa sila para doon. Medyo, hassle lang.

 

Ito ang naging sitwasyon sa NAIA1 nung pumunta ako. Hindi masyado madami ang tao. May dalawang flight na cancelled din base sa announcement board.

 

Sa ngayon, ang Korean Air ay may flight pa rin ng Manila to Incheon, vice-versa pero ang Cebu to Incheon & Clark to Incheon ay reduce flights.

Kung gusto niyo malaman ang update ng Covid-19 cases sa Korea nandito ang link.

KCDC Link ; https://www.cdc.go.kr/board/board.es?mid=a30402000000&bid=0030

Nasa Press Release ang update nila ng Covid-19.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s