Ito na kung paano pumunta sa Shifen Station from Ruifang Station.
RUIFANG STATION to SHIFEN STATION
Kailangan niyo bumili ng bagong ticket sa gate ng Platform 3. Tapos, hintayin ang yellow train.
While waiting, bumili ako ng coin souvenir as part of my travel collections. Yung mga cute stamps, yan ang madalas na makikita sa Taipei. May mga design ng stamp na hindi mabibili sa ibang stores. I checked sa Taipei Main Station underground mall, kaso wala masyadong stamps doon. Kung mahilig kayo sa art crafts, maganda din ito.
Take note Houtong Cat Village, if you are a cat-lover. You can stop-by to this place. One station away from Ruifang Station. Hindi ko na ito pinuntahan dahil nag-aambon nung araw na iyon. Kaya sa Shifen lang ako at hindi na din pumunta sa Pingxi Old Street. Meron din ibang old street na madadaanan galing sa Shifen papuntang Jingtong. Good din yung mga place na yun, aside from Shifen.
Link about Houtong Cat Village:
https://tour.ntpc.gov.tw/zh-tw/Attraction/Detail?wnd_id=60&id=110802
https://www.lonelyplanet.com/articles/welcome-to-purridise-taiwans-houtong-cat-village
SHIFEN OLD STREET
Note: Kung may time limit kayo or activity pang kasunod pagkatapos sa Shifen, check the the train schedule para alam niyo kung anong oras kayo dapat bumalik sa station para hindi na kayo maghintay ng matagal para sa next train.
MAP OF SHIFEN
From Shifen Station to Shifen Old Street, medyo malayo lang lalakarin. Karamihan ng souvenir dito ay lantern design at mga wooden-type souvenirs. Yung lantern light souvenir, meron sa underground mall ng Taipei Main Station. Yung mga wood-type souvenirs lang ang wala.
Ito yung sample ng wood-type souvenir, tapos yung Taiwan Gift Shop ay sa Taipei Main Station Underground Mall, Exit Z4. Malapit lang ang Taiwan Gift Shop sa Exit Z4. Kung nasa labas kayo ng Taipei Main Station sa side ng McDonald’s building na nasa picture. Check the stairs pababa ng Underground Mall na may Z4 pink sign.
Guide Map of Old Streets
Check the information centers for guide maps kasi yung ibang nasa website ng Taipei ay wala sa printed guide maps. Mas madami pang makikitang iba’t-ibang places aside from Shifen and Jiufen Old Street.
SHIFEN OLD STREET
Kapag nasa area ka na ng nagpapalipad ng mga lantern, ibig sabihin ay nasa Shifen Old Street ka na. Lunch na nung dumating ako sa Shifen dahil naligaw pa ako sa mga train bago makarating dito, hehe.
Dito ako kumain dahil may xiao long bao sila. Sumakto din na may kanin. Hindi na ako nagpalipad ng lantern kasi umaambon at same price lang ng isang order ng xiao long bao. Kaya xiao long bao na lang.
Kumanta na lang ako ng, “Ako ay may lobo, lumipad sa langit. Hindi ko na nakita. Pumutok na pala. Sayang lang ang pera ko. Pambili ng lobo. Kung pagkain sana. Nabusog pa ako.”
Kinanta mo din ito noh? Hahaha! Pagbalik ko na lang ulit. Magpapalipad na ako ng isang lantern. Meron din silang wishing bamboo. Kumbaga sa N Seoul Tower na padlocks, dito naman ay bamboo sticks.
Wishing bamboo sticks. NTD 50
SHIFEN OLD STREET to SHIFEN WATERFALL
Map from Shifen Old Street going to Shifen Waterfall.
Note: Sobrang layo niya. Kung ayaw niyo maglakad ng napakalayo ay mag-taxi o mag-bus na lang. Ang problema sa bus ay matagal dumating ang bus.
Kapag naglakad kayo galing sa wishing bamboo, yan ang magkakasunod na madadaanan niyo papuntang Shifen Waterfall. Meron din silang auto bike rent pero kung group kayo mas okay na ang mag-taxi. Malayo pa ang lalakarin from entrance ng waterfall. Kaya mas okay na mag-taxi na lang galing Shifen Old Street. NTD 100 ang bayad sa taxi.
SHIFEN WATERFALL
Ito ang entrance papunta sa waterfalls.
Meron dalawang bridge na madadanan papunta sa Shifen Waterfall. Unang bridge ay Siguangtandiao Bridge (upper part). Pangalawang bridge ay Guanpu Suspension Bridge, yun naman ang bridge na katabi ng railway. Kapag nakatawid na ng Guanpo Suspension Bridge ibig sabihin ay malapit na sa waterfall.
Shifen Scenic Area
Ito ang madadaanan bago makarating sa Shifen Waterfall.
Shifen Waterfall
FINALLY! After long walk from Shifen Old Street going to Shifen Waterfall. Guys, nakakapagod. Kaya nag-taxi na ako pabalik ng Shifen Station. Umuulan pa yan. Hindi lang nakita ang payong ko sa picture.
Reward for myself, hahaha! Pagbalik ko ng Shifen Station, bumili ako ng peanut ice cream roll habang naghihintay ng train pabalik ng Ruifang Station. Sobrang napagod ako sa paglalakad. Feeling ko nag-marathon ako, hahaha.
Pwede kayong mag-Jiufen pagkatapos sa Shifen para hindi sayang ang pamasahe niyo papuntang Ruifang galing Taipei. Original plan ko ay mag-Pingxi Old Street ako at Jingtong Old Street bago mag-Shifen Old Street. Unfortunately, naligaw ako ng train papuntang Ruifang galing sa Taipei. Kaya nasayang yung oras ko sa biyahe. Wala na akong choice at hind na pinilit puntahan pa ang Pingxi at Jingtong. Kailangan ko kasi bumalik ng Taipei ng 4pm para sa schedule ko ng Taipei101. Next day kasi ang plano ko ng Jiufen. Still, umuulan pa din sa New Taipei City nung nagunta ako ang Jiufen kaya sa Jiufen Old Street lang ako. Hindi na ako naglibot sa Jiufen area. Better check the weather or may plan B kayong naka-prepare. Enjoy Shifen! ^_^
Link kung paano pumunta ng Ruifang galing Taipei :
Great post😀
LikeLiked by 1 person