Second time ko sa Taipei pero nag-iba ako ng hotel kasi gusto kong masubukan yung malapit sa park. Hindi ko lang siya nakuha nung una akong pumunta dahil sold na lahat. This time, nakakuha ako at sobrang natuwa ako dahil malapit lang sa MRT station, bus stop, 228 Peace Park, National Taiwan Museum, Presidential Palace at Ximending. May cafes din na malapit sa SleepBox Hostel at isa na doon ang Starbucks. May malapit din na 7-11 convenient store at 2 stores sila.
Sa Agoda ako madalas mag-book ng hostel or guesthouse. Mas prefer ko ang guesthouse or hostel kasi may sarili akong room at the same time pwede akong magluto at may libreng tubig din lagi. Kapag naghahanap ako ng hotel or guesthouse, lagi kong tinitignan kung may malapit na bus stop at subway station. Also, kung may convenient stores at tourist spots. Kumbaga, accessible sa maraming bagay kaya maganda mag-stay sa ganitong klase ng place especially yung travel papunta ng airport. So, hindi din hassle.
Link Agoda SleepBox Hostel: https://www.agoda.com/sleepbox-hostel/hotel/taipei-tw.html?checkin=2020-06-01&los=5&adults=1&rooms=1&cid=1829991&tag=8220d6d6-f881-348c-a485-21d22c61044e&searchrequestid=47ec8e60-e350-4a84-8142-2ee8980e50ba&travellerType=0&tspTypes=16
MRT STATION: Taipei Main Station to 228 Peace Park
Red line ang Taipei Main Station papuntang 228 Peace Park. Each station ay may brochure ng MRT schedule. Exit 1 ang 228 Peace Park. Meron cute statues at bench dito.
228 PEACE PARK
MORNING
EVENING
Sobrang sarap tumambay sa 228 Peace Park lalo na sa gabi kasi maliwanag at maganda tignan ang park. Pagkatapos ng trip ko lagi ay tumatambay muna ako at nagpapahinga sa bench bago bumalik sa hostel. Plus, malapit lang sa gate ng 228 Peace Park ang National Taiwan Musem. Nasa Left side lang siya kapag galing sa Sleepbox Hostel. Meron din public comfort room dito sa right side ng MRT Exit 1 ng park.
BUS STOP
Kaharap lang ng Sleepbox Hostel ang bus stop. Kaya tatawid ka na lang. So, madali lang pumunta ng Ximending Night Market. One bus stop away lang or 3 blocks walking distance. Bus no: 513, BL2, 18, or 235. Yet, madalas ata ang bus no.513, kaya yun ang sinakyan ko. Nasa side siya ng Starbucks at the Hive shop.
SLEEPBOX HOSTEL ROOM
Economy Double Room with private Shower
Starts from
Features
- 1 double bed
- Room size: 15 m²/161 ft²
- Shower
- Shared bathroom
- Free Wi-Fi
Bed types
- 1 double bed
Bathroom and toiletries
- Hair dryer
- Toiletries
- Towels
Entertainment
- Free Wi-Fi in all rooms!
- TV
Comforts
- Linens
- Air conditioning
Ito ang room na pinili ko. Good na siya for solo traveller or 2 persons kasi may sariling shower. Malaki din ang bed niya kahit na dalawa kayo at may couch din. Mas prefer ko ito than capsule room. Sa capsule room, may sarili silang locker para sa mga luggage nila. I want privacy, hehehe. Meron din ibang size ng room pero same lang ng concept ng room ko. Yung Economic Twin if gusto niyo ng may sariling bed kayo pareho ng kasama niyo.
SLEEPBOX HOSTEL
EXTERIOR
Meron cute bear sa harap as bodyguard. Yung building na nasa left side, pwedeng gamitin ang elevator nila papunta sa basement entrance ng hostel kung may mabigat na luggage. Medyo matagal lang ang elevator nila.
COMMON ROOM AND FACILITIES
Tahimik naman sa area at madalas parang wala masyadong tao dahil lahat ay nasa labas. So makakapagpahinga din ng maayos sa gabi. Hindi din problema ang comfort room kasi malinis din lagi ang c.r. nila.
Nag-enjoy akong mag-stay dito kasi tumatambay ako sa park at walking distance lang siya sa bus stop, 7-11, MRT Station at park. So, hindi siya hassle. If early flight kayo, madali lang din kasi 1 station away lang ang 228 Park Station to Taipei Main Station. 6am ang open niya, so express train na lang from Taipei Main Station to Taoyuan Airport. The best talaga ito para sa akin tuwing gabi pagkatapos ng gala ko kasi masarap tumambay. Madami din ang nag-exercise dito sa umaga at may ilan nag-jogging sa gabi. Enjoy Taipei! ^_^
Taipei is one of my favorite cities, i’ve been there many times, amazing 🙂 cheers from Portugal, PedroL
LikeLiked by 1 person