First time ko ma-experience ang autumn sa Seoul kaya hindi ko alam kung gaano kalamig doon pero karamihan sa mga video na tinignan ko sa youtube parang winter na dahil sa suot nila. Na-experience ko na ang winter sa China kaya sobrang pinaghandaan ko yung mga kailangan isuot. Mahirap lamigin sa daan, hehehe.
Yung mga dala kong jacket ay sa umaga ko lang gamit pero pagdating sa gabi ay kailangan talaga ang long-padded jacket at heat pads. Dito sa Manila, bumili ako ng ilan Heattech product ng Uniqlo. Good din bumili sa Decathlon ng winter jackets at mas mura siya compare sa Uniqlo kung nagtitipid kayo. Sa Uniqlo, fashionable style pero medyo mahal. So, depende na yun sa gusto niyo. Ilan lang ang products na binili ko dito sa Manila at good thing yun kasi mas mura sa Seoul. Mas madaming choices sa Seoul lalo na kung sa Dongmyo, Hongdae at Myeongdong kayo bibili. Sa Hongdae mas mura compare sa Myeongdong dahil tourist spot na ang Myeongdong. Sa Myeongdong subway station, yung mga stores nila doon sa loob mismo ng subway ay mura compare sa labas ng station. Sa kanila mura ang ilan bilihin sa loob ng subway station at may mga sale doon compare sa mga mall at ilan market katulad ng Gwangjang Market.
WINTER SHOES
Price range: KRW 10,000 and up
LONG-PADDED JACKET, COAT, JACKET, AND SWEATERS
Price range: KRW 12,000 and up
Ang binili ko sa Seoul ay long-padded jacket, scarf, earmuff, socks, at winter shoes.
- long-padded jacket – KRW 45,000 – Dongmyo Market
- scarf – KRW 15,000 – Dongdaemun Plaza
- earmuff – KRW 3,000 – Dongdaemun Plaza
- winter shoes – KRW 10,000 – Dongmyo Market
Note: Pagdating sa long-padded jacket, depende sa style at kapal ng jacket ang price niya. May ilan jacket na manipis lang kaya mura. Kung gusto niyong makamura sa autumn-winter clothes, better na huwag masyado bumili sa Manila at pagdating sa Seoul ay dun na lang kayo bumili. Mas mura na, stylish, at madami ka pang choices.