TAIPEI TRIP OCT. 2019: OVERVIEW

This is it, another Taipei trip kasi bumalik ako for the second time. Another solo trip at maraming nagtatanong kung magkano ang budget ko sa buong trip ko. Magkano yung baon kong pera at yung food. Honestly, yung unang Taiwan trip ko ay hindi kami masyadong nakakain ng mga night market food kasi lagi kaming nasa daan. Late na kaming nakakabalik sa Taipei dahil nasa North Coast area kami lagi. Napansin ko din na hindi okay pagsamahin sa iisang araw ang Jiufen at Shifen or Yehliu Geopark then Jiufen. Nung unang Taiwan ko, ginawa namin yun ng friend ko which is ganun ang karamihan na ginagawa ng mga vlogger. From Yehliu Geopark to Jiufen in one day or Shifen then Jiufen. This time, nagcheck ako ng ilang places na magandang mapuntahan sa Jiufen, Shifen at Yehliu. Kung titignan ang map, 3 magkakalayong district siya. Sa bawat area, may magagandang place na magandang libutin sa isang araw. Sa ngayon, overview muna ang isusulat ko. More on expenses sa buong trip. Isusulat ko sa bagong blog yung trip ng Jiufen at Shifen.

Another thing, pagdating ko sa Taiwan ay makulimlim na. Unexpectedly, the whole week ay nag-uulan o umaambon. Kaya hindi ako masyadong nakapag-libot or yung mga gusto kong ma-try puntahan ay hindi ko nagawa. Nung pauwi na ako, doon lang lumabas ang araw. Kaya hindi din ako nakapag-moon photography or starry night photography. Ganun talaga ang buhay, pero na-enjoy ko pa din ang trip kahit na ganun.

Simulan ko sa food dahil mag-isa lang ako at walang ka-share. Karamihan sa serving ng food nila ay good for two. Kaya kung solo ka lang at saktong kain lang, mabilis kang mabubusog. Makakatipid din kasi pwedeng may matirang snack na good gawin breakfast sa next day. Ako kasi may times na gusto kong ma-try yung ilan food sa night market. Kaya yung iba ay patikim-tikim lang tapos gagawin snack pagbalik sa hotel. May mga snack kasi na 3pcs or 7pcs, depende sa size katulad ng dumplings. Yung iba naman isang bread lang pero grabe yung calories niya. Sobrang busog ka na. Kaya depende yun sa tao kung gaano kalakas ang metabolism niya para makakain ng madami sa isang araw.

Sa next blog isusulat ko na din yung tips sa pagpunta sa Shifen at Jiufen para hindi din kayo maligaw, hehe. Also, kung ano yung mga useful app. Sa ngayon, overview muna para may idea kayo kung ano ang magaganda sa Taipei. Most likely, more on food talaga sa night market. Kung more on adventure naman or museum hopping, good din ang Taipei kasi magkakadikit lang sila at madami din magagawang activity. If mahilig din kayong mag-bike, sa Tamsui mas maganda mag-bike lalo na kapag sunset na.

Gusto ko sanang ma-experience ang autumn sa Taipei kaso sa Yangmingshan Park lang ang area na malapit sa Taipei na colorful ang dahon. Hindi ko na napuntahan dahil din sa pag-aambon. Sa mga province ang kadalasan na nakita ko na may red at orange na mga dahon base sa research ko. Ang problema, karamihan sakanila ay nasa Southern part ng Taiwan. Kaya kung yun ang gusto niyong ma-experience, check niyo sa Taiwan website yung mga place na yun.

TAIWAN FOOD

SHIFEN OLD STREET

Beef and vegetable with rice – 120 TWD, Dumplings – 120 TWD

Peanut ice cream roll – 40 TWD

JIUFEN OLD STREET

Fishball noodles – 75 TWD

Xiao Long Bao – 120 TWD

Cream Pancake – 20 TWD

XIMENDING NIGHT MARKET

Modern Toilet Restaurant – Fun Platter (290 TWD), Mango Snow Shaving (250 TWD) – Good for 2 or 3 sharing.

Ice Galaxy – Oreo and biscuit bingsu (shave ice) – 85 TWD, Good for 2

2 pcs. chicken with rice meal – 159 TWD

Cheese and egg pancake – 45 TWD

Sweet potato ball (5 pcs – small sice) – 30 TWD

Dumplings (7pcs) – 35 TWD

Mochi (5pcs) – 30 TWD

SHILIN NIGHT MARKET

Mini siopao – 14 TWD per piece

Mini Pancake – Cheese corn – 45 TWD

Wonton Noodle Soup – 65 TWD

OTHER FOODS (7/11 snacks or stores near SleepBox Hotel)

Chives meat bread – 40 TWD

McDonalds burger with fries and drink – 102 TWD

7/11 Ice cream and juice – 119 TWD

Amigo (4pcs) – 50 TWD

TAIWAN TRIP

Taipei 101, Chiang Kai-shek Memorial Hall, Taipei Zoo, Miniatures Museum of Taiwan, National Taiwan Museum, Presidential Office Building, 228 Peace Park, and Miramar Entertainment Park

Jiufen Old Street, Shifen Old Street, Shifen Waterfalls, Tamsui Amusment Park, and Tamsui Art and Cultural Park

TAIWAN TRIP EXPENSES SUMMARY

Taiwan trip Expenses Oct2019 Over-all Expenses2

Note: Sa Klook ako madalas kumuha ng wifi or sim card rent. If solo lang kayo at wala naman kayong laptop or tablet, good na yung sim card para sa internet lang. Karamihan naman ng hotel or guesthouse ay may free wifi pero depende yun sa accommodation na makukuha niyo.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s