First time kong mag-Taiwan at naghanap ako ng ibang activity, aside from museums, parks at temples. Nag-check ako ng activity sa Klook at Taroko Kart ang nakita ko. Good thing meron din silang baseball, which is wala dito sa Pilipinas at dahil hindi ako natuloy mag-baseball batting cage sa Korea. Kaya nag-try ako kumuha pero medyo disappointing lang dahil ang karting sa kanila ay pang-professional. Kaya hindi kami pinayagam at cancelled ang book namin sa Klook, nag-end up sa refund. Pero naglaro kami ng baseball at bowling para hindi sayang ang punta namin.
Directions kung paano makapunta sa Taroko Kart:
From Taipei Main Station to Taoyuan
- Train – Taipei Main Station to Yuanshan Station (Red Line)
- Bus No. 9023 at Yuanshan Station (Red Line)
- Travel time: 1 hour from Yuanshan Station going to Monarch Plaza Hotel
- Drop off point: Monarch Plaza Hotel
- Use google map to check the place.
- Use google map and follow the direction going to Taroko Kart. Nag-shortcut kami.
-
Taroko Sports
-
Taroko Kart
-
Baseball batting cage
- Note: 500 TWD / 15 tokens ang kinuha namin. Super sulit ng maglaro sa baseball at bowling.
- Good for two na yun. Sa 1 token ng baseball, 10 balls or more. Pagod ka na agad. Kaya kailangan magsalitan kayo ng travel buddy mo or else sasakit buong katawan mo kinabukasan. Sulitin ang baseball kasi wala naman baseball batting cage sa Pilipinas.
- Per lane ay may speed rate ng bola, kaya sa last row kami dahil beginner lang kami. Nag-try kami sa kabilang cage, super bilis. Pang-athlete na siya.
- Enjoy playing! ^_^
-
Bowling
Going back to Taipei
- Ang daan ay pabalik sa Monarch Plaza Hotel pero hindi doon ang sakayan ng bus. Use google map para makita yung way papunta doon sa kabilang kalsada. Tatawid sa bridge nila yung may ilog na area. Shueibiantou bus station ang sakayan ng bus papuntang Taipei.
- Note: Long walk pero masarap kasi ang ganda ng paligid at malinis na para kang nasa Japan.
- Bus No. 9069 at Shueibiantou bus station