IMPORTANT THINGS TO BRING:
- Flashlight – battery or rechargeable – some places ay walang ilaw sa kalsada lalo na kung pupunta sa lighthouse para mag-stargazing
- Sunblock and sun protection clothing like arm sleeves cover – super init at humid.
- Waterproof jacket – in case na biglang umulan
- Powerbank – sobrang ganda ng place para magpicture ng marami
- Umbrella – in case na biglang umulan at protection sa araw sa sobrang init lalo na kapag summer
- Card games – by 8pm, start ng magsara ang mga tindahan at kapag umulan ng malakas, wala ng ibang pwedeng magawa. Kaya kung gustong may ibang gawin, good ito para hindi mabored at fun time with family and friends.
- Camera, tripod, lens filter and extra camera batteries
NOTE: Sa Decathlon meron hiking accessories, so good bumili ng ilan gamit doon like flashlight. Kung gusto mag-stargazing ng matagal doon, meron din mini tent na maliit tapos lightweight pa. Plus, waterproof jacket din.
NOTE and TIPS:
- The best month na pumunta sa Batanes sabi ng ilang locals ay March to June. Lalo na sa mga gustong mag-stargazing.
- Dito makakabili ng mga pasalubong at souvenirs.
- Meron mga bike rentals sa Basco, maganda mag-tour around. Magtanong lang sa mga tindahan. Php 25/hour
- May masarap na homemade ice cream dito. JETS Ice-cream, Php25 and P30… Flavors: Cheese, Cookies and Cream, Buko Pandan, Mango and Chocolate.
- Masarap ang tinapay sa Pension Ivatan Bakeshop, katabi lang ng Basco airport. Nasa left side lang siya. Bili na bago pumunta sa guesthouse o homestay para may pang-almusal or snack, hehe.
- Mas mura bumili ng snacks and drinks sa mini-warehouse type na store nila compare sa maliliit na tindahan. Katabi ng Abenganas Guesthouse na pinag-stayan namin.
- Masarap ang Unicorn Limade sa Pasalubong Center
- Ang masarap sa kanila na pwedeng ipasalubong ay Bukayo.
- Huwag kalimutan ang sunblock at ibang sun protection lalo na kapag summer kasi sobrang nakakasunog ng balat.
- Kung gusto niyo mag-less ng dadalhin damit, ok din naman kasi pwede kayo maglaba doon. Magdala na lang ng sabon panlaba kahit sachets lang. May-check-in naman ang Skyjet. Mabilis matuyo ang mga damit dahil mainit naman. Unless kung rainy season pumatak ang inyong travel date. Mataas ang chance na may pag-ambon o ulan.
- Karamihan ng kalsada doon ay sementado na pero may ilang lugar na inaayos pa katulad ng papunta sa Spring of Youth. Siguro next year, lahat ng kalsada ay ok na.
- May areas sa Basco na hindi ok ang signal, so expect niyo na lang. Idaan na lang sa pagbike. Super sarap mag-bike sa kanila kasi wala masyadong sasakyan.
WHERE TO STAY, TOURS, ETC.
- PLACE WE STAY
- ABENGANAS GUESTHOUSE (BASCO)
- Facebook Page: https://www.facebook.com/abenganasguesthouse/
- Distance to the Basco airport: 3mins tricycle or van ride
- Good thing about the place: good place to stay especially for group, easy to walk and bike around the area, beside the grocery store, and 2 blocks away from tricycle station.
- PANANAYAN PENSION HOUSE (SABTANG)
- Facebook Page: https://www.facebook.com/PananayanPensionHouse/
- Distance to the Sabtang Port: 5 mins. walk
- Good thing about the place: good place to stay especially for group, beach view, lighthouse, and near the port
- OTHER INFORMATIONS (Homestay, Travel and Tours, Souvenir Shops, etc..)