Naidi Lighthouse, Naidi Hills, Basco Batanes
Kapag nagpunta ka sa Basco, Batanes ito ang magandang puntahan sa unang araw. Maganda panuodin ang sunset dito tapos babalik ng 8pm para mag-stargazing.
Sa hapon, magandang mag-bike bago mag-sunset. May mga bike rentals sa Basco. Yung stores na malapit sa Beehan Cafe, both sides niya na store ay may bike rental. Magtanong lang kayo kung may available na bike.
BIKE RENTAL
PRICE: Php 25 per hour
GUIDE ROUTE
GOOGLE MAPS
CASA REAL / PLAZA
Simula sa Casa Real o plaza diretso lang hanggang sa makita niyo yung signage ng Vayang Rolling Hills at Naidi Lighthouse. Subukan niyo na din mag-bike papunta sa Vayang Rolling Hills bago kayo magpunta sa Lighthouse. 6 mins. biking lang galing sa Naidi Lighthouse. Sobrang ganda niya at masarap maglakad sa Batanes. Ok din siyang lakarin simula sa plaza.
Take note. Walang ilaw sa kalsada galing sa Naidi Lighthouse at Vayang Rolling Hills. Kaya dapat may araw pa kapag nagpunta kayo dito. Kaya kung plano niyo mag-stargazing, dapat magrent ng tricycle galing sa station.
TRICYCLE STATION
TRICYCLE RATE
TRICYCLE RENT
Tricycle Station: Lizardo St. – Contracosta Rd.
Price: Php 60 – tricycle station going to Naidi Lighthouse, another Php 60 going back to the station
Waiting time rate: Php 200 per hr., Php 100 per 30mins.
Dapat by 7pm ay pumunta na sa tricylce station para kumuha ng driver tapos 8pm ang balik. By 8:30pm nasa lighthouse na, konti pa lang ang tao. Sobrang dilim at mahangin kaya kailangan ng jacket at flashlight.
THINGS TO BRING FOR STARGAZING
- Jacket
- Tripod
- Camera
- Flashlight – battery or rechargeable
SOUVENIRS AND FOOD
Pagkatapos mag-bike galing sa lighthouse, masarap magmiryenda sa plaza lalo na yung juice nila na Unicorn Limeade. Dito din kami bumili ng ilang souvenirs. From Php40 up to Php 200+… A bit pricey kasi hindi naman ganun kadami ang tourist dito unlike sa Boracay, Cebu, etc. Although sa Sabtang kahit papaano, medyo mababa ang price compare dito pero may ilan souvenirs na wala sa Sabtang na dito lang mabibili. Bukayo ang pinakamasarap nila dito sa Batanes. Buy some souvenirs to support them. By cargo ang delivery ng mga food, gamit, etc. dito sa Batanes, kaya may kamahalan ang ilan mabibili dito.