Taipei Main Station to Mustang Paragliding and Yehliu Geopark

TRAVEL TIPS: MUSTANG PARAGLIDING TAIWAN AND YEHLIU GEOPARK

TAIPEI MAIN STATION TO KEELUNG

Galing sa Taipei Main Station, nasa right side sa dulo yung building ng Kuo Kuang Bus Station. Terminal bus papuntang Keelung. Pwedeng Easy Card or cash through counter para sa ticket. Kapag naka-Easy Card naman, tap na lang sa bus. Basta sapat yung budget ng Easy card. Better na tap card para less hassle.

KEELUNG BUS NUMBER: 1813

IMG_7919

Mas convenient mag – bus compare sa train. Plus, makakapag-charge ka pa ng phone mo habang nasa biyahe. Meron din silang schedule ng bus. Better na mas maaga para makasay kaagad.

Travel time: 1 hour (Taipei Main Station to Keelung Station)

Ito na Keelung Bus Station, kapag may nakita na kayong mga boat na may pagka-San Francisco Pier 39 ang dating. May malaking letters ng KEELUNG yung park. Yun na yun. Next ay tatawid na sa blue bridge para sa bus station going to YEHLIU or MUSTANG PARAGLIDING.

Magkakadikit yung bus station pero para hindi kayo maligaw, sa left side kayo bababa kapag galing sa foot bridge. Dapat yung bus station na may bakeshop or Windsor Castle.

Note: Masarap ang breads sa Windsor Castle, mas ok na bumili na kayo if gusto niyo ng snack pagdating sa Yehliu Geopark.

KEELUNG TO SHIPILAI – bus number 790, 789 or 862…. note: Mini bus lang siya kaya most likely, nakatayo. Kaya mas ok na mag-transfer kaysa nakatayo lang the whole 1hr na biyahe. Province area ang lugar ng Keelung at mabundok na para kang pupunta sa Tagaytay.

BUS STOP: KEELUNG to MUSTANG PARAGLIDING CLUB

SHIPILAI to WANLI (MELIUN VILLAGE) : Bus number 1815 or 862… But 1815 is much better. Same bus na katulad sa Taipei Main Station to Keelung.

NOTE: MEILUN VILLAGE ang i-aannounce na station ng bus, at hindi Wanli. So be alert. Ito yung place ng Wanli (Meilun Village). Please check google map going to the beach side. Basta lakarin niyo lang yung papunta sa beach hanggang sa may makita kayong sira-sirang bahay na may pagka-creepy yung place. Ang tawag sa lugar na yun ay Wanli UFO Village dahil sa may pagka-UFO tignan yung design ng bahay. Take note: Medyo long walk po ito. So be prepared pero don’t worry, super relaxing kapag lumipad ka na.

Ito na malapit na. Nung una hindi kami sure kung sila yun kasi base sa google map, ibang area tinuturo niya. Kaya kinontak pa namin ang Mustang club para sure kami.

You can check their Facebook page: Mustang Paragliding Club

Message niyo muna sila if ok ang weather para mag-paragliding. Sila na ang may pinaka-murang paragliding. Sa iba kasi 2,500 TWD. Marunong naman sila mag-English ng konti at mababait sila. Very accommodating. Mas mura na din ito compare sa paragliding experience ko sa Korea. ^_^

Cost: 2,000 TWD, 10 mins. with video (kasama ang 16gb mini SD card)

Link: https://www.facebook.com/野馬飛行傘俱樂部-Mustang-Paragliding-Club-244391195586147/

Sample pictures ng paragliding. By the way, video lang meron ito pero para may pictures ka, save every screenshot na gusto mo base sa video.

WANLI TO YEHLIU GEOPARK

BUS NUMBER: 862, 790, or 1068

YEHLIU GEOPARK BUS STOP

Note: Long walk again from bus stop. Sundan niyo lang yung kalsada pababa. May mga madadaanan kayong mga seafood restaurants, school at milk tea shop. Hanggang sa dulo, makikita niyo na yung sign ng Yehliu Geopark.

Entrance fee: 80 TWD

Malaki yung park at long walk muna sa magagandang puno bago makarating sa Queen’s Head.

Kapag pabalik ng Keelung, doon ulit ang daan. Try niyo yung masarap na milk tea shop dito, Mr. QMilk.

YEHLIU GEOPARK to KEELUNG

BUS NUMBER: 790

Note: Konti lang ang seat nito, kaya may chance na nakatayo ka lang the whole trip pabalik ng Keelung. 1 hour travel time

IMG_8422

SUMMARY:

TAIPEI MAIN STATION to KEELUNG STATION

BUS NUMBER: 1813

KEELUNG to YEHLIU GEOPARK / WANLI (MEILUN VILLAGE)

BUS NUMBERS:

790 – Direct bus to Yehliu but few seats

862 – Direct bus to Yehliu but not sure if same few seats like 790

789 – Keelung to Wanli (Meilun Village)

or TRANSFER from SHIPILAI BUS STOP for a better seat

– SHIPILAI BUS STOP going to WANLI VILLAGE, then transfer to

790, 862, 953, or 1068 – YEHLIU GEOPARK

NOTE: Yung mga bus kasi may kaniya-kaniya silang route. Kaya may area na hindi sila nadadaanan na bus stop kahit na same place. Kaya take note of the bus numbers.

YEHLIU GEOPARK to KEELUNG

BUS NUMBER: 790

COST or ENTRANCE FEE

  1. MUSTANG PARAGLIDING CLUB : 2,000 TWD with video (mini SD card)

Open hour: 9:00am-13:00pm
Mustang mobile:+886932926289
Line ID:@cmd5623e
Whatsapp:+886930345125

2) YEHLIU GEOPARK: 80 TWD

Advertisement

One thought on “Taipei Main Station to Mustang Paragliding and Yehliu Geopark

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s