Chapter 8: Coffee Prince
One night habang nanunuod ako ng Coffee Prince sa GMA, nagtext siya sakin.
Convo:
Apple: Anong ginagawa mo?
Me: Nanood ng Coffee Prince
A: Anong channel?
M: Sa GMA
Hanggang sa magkatext na kami buong gabi at nagustuhan niya din yung palabas. Then ginamit namin yung name nila Han Kyul at Eun Chan. Kaya simula nun ay yun ang naging tawagan namin.
Yung palabas na yun ang isa sa mga naging favorite ko at nasa list kong mapuntahan sa Seoul, Korea. Kaya nung nag-Korea kami yun ang number 1 na gusto kong makita. Kaya nung nasa Coffee Prince kami sabi ko, “Sana next time kasama ko na din siya pumunta dito.” At some point may binago ng konti sa set-up ng cafe.
Si Han Kyul, almost same sila ng character ni Apple. May pagka-matigas ang ulo, pasaway, makulit pero may pagka-sweet, caring, maka-lola, at may nakatagong soft side.
Siya yung taong gustong minamadali ang lahat ng bagay. Gusto niya mangyari agad kung ano yung gusto niya. Same thing sa part ng marriage plan ni Han Kyul sa Coffee Prince. Yung gusto niyang magpakasal pero ayaw pa ni Eun Chan. Then sa huli, dun niya marerealize yung mga bagay. Ganun siya eh. Quick-tempered pero slowly maiintindihan niya din yung situation. Sometimes, naiinis ako kapag ganun siya eh pero madalas pinapabayaan ko na lang muna siya. Soon eh kakausapin niya ako tungkol sa nangyari. Ang weird lang din isipin na kahit ganun siya eh mas pinili ko na lang intindihin siya at mag-stay sa tabi niya. Ganun talaga siguro kapag mahal mo. Tanggap mo yung kung anong katangian meron siya.
Here I am tonight, watching Coffee Prince. Ganun talaga kapag na-miss mo. Kung minsan ay gusto ko lang panoodin dahil sa tandem nila Gong Yoo at Yoon Eun Hye.