Chapter 7: High School Musical
Unexpected moment na inakala kong hindi siya pupunta. Another Tagaytay memories na lumipas ang unang araw na napansin kong wala siya. Kaya nag-expect na ako nung second day na hindi siya darating pero pagdating ng hapon ay dumating siya. Pagkakita niya sakin ang una agad niyang sinabi sakin,
“Samahan mo naman ako sa labas. Nagugutom na kasi ako.”
Nagpunta kami sa Burger Machine para kumain. Pagbalik namin nag-stay kami sa labas ng lobby. Magdamag lang kami doon. Iba-ibang topic ang napag-usapan. Pagtapos ng dinner ay bumalik kami ulit lobby area. Tama lang yung lamig at ang daming stars nung mga oras na yun. Habang pinagmamasdan namin yung mga bituin na-open up niya yung High School Musical.
Sabi niya kantahin namin yung ibang songs. Ang saya lang kasi nagkakantahan at sayawan kaming dalawa. Nagtatawanan at nagkukulitan lang kaming dalawa. Nung malapit na siyang umuwi sabi niya,
“Sayang saglit lang talaga kami. Kung may dala akong damit ay mag-stay ako.”
Kahit na konting oras ko lang siya na kasama ay masaya pa din kasi nagkita kaming dalawa. First time namin gawin yun. Ginaya namin ang High School Musical. Sobrang saya lang kahit na maingay kaming dalawa tapos ang ganda pa ng buwan at mga bituin. Yung moment na marinig siyang kumanta at makasama siya, masarap sa pakiramdam.