Goodbye First Love: Tagaytay Breeze

Chapter 4: Tagaytay Breeze

Tagaytay is one of the best place for me. One of the best place to have an adventure but this place is more than just an adventure. Ito yung lugar na madaming pwedeng mapuntahan na may halong memories.
Sa lugar na ito, may nakahalong memories na sa iisang place na iba’t-ibang events ang nangyari. The first time na nakasama ko siya sa lugar na ito ay unexpected kasi hindi ko alam kung pupunta siya. Nung dumating siya ay nasa room ako at madali akong tinawag ng kapatid ko. Nanunuod ako sa room at sabi ng kapatid ko, “Ate, andyan na si kuya Apple, bilisan mo.” 
Sabi ko, “Bakit naman nagmamadali itong kapatid ko?”
 Pagbaba ko ay medyo hindi maganda ang mood niya. So, pinakalma ko muna siya at umakyat na lang ako sa kwarto ko. Pagkatapos ng isang oras ay kumatok siya sa kwarto ko at niyaya niya ako lumabas. Tumambay kami sa kabilang village at madami siyang naikwento sa akin. Bumalik kami nung lunch na at sabi niya ay sabay kaming mag-lunch.
After lunch ay nag-aya ulit siyang pumunta sa village dahil malamig na ng konti ay pinahiram ko siya ng isa kong sweater. 
Sabi niya, “Maroon siya pero bagay sakin. Gwapo ko di ba?” 
Sa isip-isip ko, “Oo, matagal na.” Ang sinagot ko, “Ewan ko sa iyo.” 
After namin tumambay saglit sa village nagplano siyang lumabas kami sa main gate. 
Sabi ko, “Ano ka ba? Baka mapagiltan tayo kasi hindi naman tayo taga-dito.” 
Sabi niya, “Ok lang yan, hindi naman tayo mapagkakamalan hindi taga-dito.”
Dahil mapilit siya, lumabas kami sa main gate. Nagpunta kami sa malapit na bulalohan. Ang ganda ng view ng Taal. Iba yung feeling kasi kasama ko siya. 
Sabi ko sa isip ko, “Ang sarap siguro makipag-date sa ganitong klaseng lugar kasi maganda yung view.” 
In few minutes ay bumalik na kami ulit sa room namin at mag-gagabi na. 

Nung paakyat na ako, sabi niya, “Hintayin kita sa baba para sabay tayo.” 

Sabi ko, “Ok.”
Magkasama pa din kami hanggang gabi pero ayaw pa niyang matulog at umabot kami ng 3am. Nung sinabi kong inaantok na ako ay pina-una na niya ako. Nung mag-aalmusal na pagbaba ko ay nakita ko siya. 
Sabi ko, “Anong oras ka natulog?” Sagot niya, “Hindi pa ako natutulog.” 
Tapos ay kumain na kami at sinabihan ko siyang matulog muna. Mamaya na lang kami lalabas. Nung lunch ay hindi ko siya ginising. Nung hapon mga 2pm, nagising siya.
Sabi niya, “Bakit hindi mo ko ginising?” 

Sabi ko, “Wala ka naman sinabing gisingin kita. Halika na, samahan na kita.”
Nagpunta kami ulit sa bulalohan pero sa main road kami naglakad. Kulitan at kwentuhan tapos nagmiryenda sa malapit na bulalohan. Bago mag-dinner ay nakabalik na kami sa site namin. Magkasama ulit kami buong gabi pagkatapos ng dinner. Pagdating ng 2am ay nauna na ako. Sinabihan ko siya na matulog na din. Kaya nung umaga ay hinanap ko siya para sa breakfast. Tinanong ko ang kapatid niya at nasa kwarto pa siya dahil tulog pa. Nagdalawang isip ako kung gigisingin ko ba siya o hindi pero pinuntahan ko na lang siya. Pagpasok ko, siya na lang ang nandoon. Pag-akyat ko sa kama niya dahil nasa taas din siya, napatitig ako sa kaniya. 
Sabi ko sa isip ko, “Iba talaga siya. Yung mga mata niya. Ang gwapo lang talaga niya.” 
Ginising ko na siya at baka may pumasok pa. 
Sabi ko, “Apple, gising na. Breakfast na. Ginigising na kita ah baka magtampo ka na naman. Sabi ko sa iyo kagabi matulog ka na din eh. Anong oras ka na naman ba natulog?”
Bumangon na siya at pumunta na kami sa canteen. Kami na lang ang naiwan. Solo namin yung lugar at pagkatapos kumain ay nagpunta kami saglit sa village bago kami mag-uwian.
Yung mga simpleng bagay ay nagiging mahalaga dahil sa memories. Sa simpleng makasama mo lang siya ay masaya na.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s